SA pagkakadakip sa pinaniniwalaang utak ng isang sindikato sa likod ng bilyon pisong halaga ng investment scam, nanawagan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga biktima na lumantad para sa paghahain ng reklamo.
“We urge other persons who may have invested money or entered a ‘cash back program’ in AGMC and Achievers Golden Holdings Inc. to come forward and lodge a complaint,” pahayag ni PNP Director-General Guillermo Eleazar kaugnay ng pagkakaaresto sa 47-anyos na si Arnel Aratia sa Davao del Norte kamakailan.
Batay sa testimonya ng mga unang naghain ng reklamo, lumalabas na nangilak ng halagang mula P5,000 hanggang isang milyon si Aratia na tumatayong Pangulo ng Achievers and Golden Marketing and Consulting (AGMC), sa kada indibidwal na kanilang nabiktima sa ilalim ng kwestyunableng investment scheme kung saan mabilisang tutubo ng 30% ang halagang inilagak sa kumpanya.
Kaugnay nito, binigyang pagkilala ni Eleazar ang mga operatibang nakahagip sa sinasabing investment scammer sa Davao del Norte. Si Aratia ay nahaharap sa kasong syndicated estafa at paglabag sa Securities Regulation Code sa isang hukuman sa Biñan, Laguna. (JESSE KABEL)
287
