Bilibid ililipat sa Tanay JVA HOUSING PROJECT BUBUWAGIN – DENR

INIIMBESTIGAHAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang JVA Housing Project sa lupa na inilaan ng lokal na pamahalaan para paglipatan ng New Bilibid Prison at Regional Office ng DENR sa Tanay Rizal.

Ayon sa kagawaran, ang nabanggit na lupa ay bahagi ng Lot 10 na nakapangalan sa Republika ng Pilipinas at may lawak na 300 ektarya, 270 dito ay nakalaan sa NBP at ang 30 hectares ay tatayuan naman ng DENR-Regional Office ng Calabarzon 4A.

Ngunit nakapaloob ito sa isang joint venture agreement sa pagitan ng DENR at Blue Star Development Corporation na ngayon ay tinaguriang Garden Cottages, Masungi Georeserve Foundation.

Ayon kay kay Ramil Limpiada, Provincial Environment and Natural Resources (PENRO), mayroon nang binuo na investigating body ang kagawaran.

Direkta umano itong pamumunuan ni Usec. Ernesto Adobo para rebisahin ang Joint Venture Agreement (JVA) kabilang ang assistant secretary ng Legal Biodiversity Management at iba pang miyembro ng komite.

Anya, ang pagkadeklara sa lupain na paglipatan ng New Bilibid Prison (NBP) at DENR-Regional Office ay sa bisa ng Proclamation 1158 ni President Gloria Macapagal Arroyo noong Setyembre 2006.

Dagdag ni Limpiada, ito ay nakapaloob sa JVA noong panahon ni Sec. Heherson Alvarez.

Malinaw rin umano na ang orihinal na laman ng JVA ay ang kabuuang Proclamation 776 na inisyu noong Abril 2, 1996 na naglalaan ng pabahay sa mga empleyado ng DENR, DILG, DND, DECS at DOTC.

Ayon pa rito, sa parehong petsa, ang Proclamation 776 ay inamyendahan ng Proclamation 564 na isinama na bilang benepisyaryo ng pabahay ang mga empleyado ng Office of the President at Presidential Management Staff.

Sa huli, lumilitaw na ang kabuuan ng JVA na 130 ektarya at Lot 10 na 300 hectares kasama ang buong PD 324, ay ipinaloob sa MOA noon ni Gina Lopez at ng Masungi Georeserve Foundation, dating Blue Star at Garden Cottages, na may kabuuan o lawak na 2,700 ektarya at pilit pa ring sinasakop ang ilang bahagi ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT). (ENOCK ECHAGUE)

249

Related posts

Leave a Comment