ARESTADO ang isang 35-anyos na binata na suspek sa 2 counts ng rape sa Santiago City, Isabela makarang matunton sa Barugo Street, Barangay 776, Sta. Ana, Manila noong Martes ng umaga.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jayvee”, jobless, residente ng Santiago City, Isabela.
Base sa ulat ni Warrant Section/Follow Up Unit and Intelligence Section na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, commander ng Sta. Ana Police Station 6 ng Manila Police District, kasama ang mga tauhan ng Regional Intelligence Unit PRO 2, bandang
alas-11:45 ng umaga nang maaresto ang suspek sa Sta. Ana, Manila.
Ayon kay Police Lieutenant Ronald Mediana, lumuwas pa ng Maynila ang mga operatiba mula sa lalawigan para arestuhin ang nasabing suspek.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Nicasio Brillantes-Bautista III, ng Regional Trial Court, Branch 21 ng Santiago City Isabela.
(RENE CRISOSTOMO)
