BINATA NASAGIP SA TANGKANG SUICIDE

NASAGIP sa tangkang pagpapakamatay ang isang 32-anyos na binata nang madiskubre itong nakabigti sa Baseco Compound, Port Area, Manila nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si alyas “Robert”, residente ng Barangay 649, Port Area.

Ayon sa ulat ni Patrolman Rosales Fernandez, Jr. kay Police Lieutenant Roberto De Leon ng Baseco Police Station 13, bandang alas-2:25 ng madaling araw nang i-report sa tanggapan ng Station Tactical Operation Center ang hinggil sa tangkang pagpapakamatay ng biktima dakong alas-12:30 ng madaling araw at isinugod sa Gat Andres Bonifacio Medical Center.

Nabatid sa salaysay ng kapatid na babae, tumawag ang kanilang kuya na nagtatrabaho sa ibang bansa, na nakatanggap ito ng mensahe mula sa biktima hinggil sa balak nitong pagpapakamatay dahil sa problema sa kanyang pamilya.

Agad namang tinungo ng dalaga ang kinaroroonan ng biktima at tumambad sa kanya ang kapatid habang nakabigti gamit ang silk scarf.

Mabilis na kinalag sa pagkakabigti ang biktima at isinugod sa ospital kung saan ito patuloy na inoobserbahan.

(RENE CRISOSTOMO)

165

Related posts

Leave a Comment