P1.16-B ILLEGAL DRUGS NASAMSAM

UMABOT sa P1.16 bilyon ang halaga ng ilegal na droga na nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob lamang ng isang linggo, katuwang ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa PDEA, ang operasyon ay isinagawa nationwide mula Agosto 29 hanggang Setyembre 5, 2025. Sa panahong ito, nakapagtala sila ng 48 anti-drug operations kabilang ang buy-busts, marijuana eradications, interdictions, warrant service, at raids na nagresulta sa pagkakaaresto ng 101 drug personalities.

Kabilang sa mga nahuli ang 36 pushers, 24 drug den visitors, pitong drug den employees, 11 drug den owners/maintainers, 12 drug possessors at 11 drug users.

Sa kabuuang P1.16 billion street value ng ilegal na droga ang nasamsam sa loob ng isang linggo, kabilang dito ang 169,557.58 gramo ng methamphetamine hydrochloride, o shabu; 10,250 piraso ng marijuana plants; 272.63 gramo ng marijuana fruiting tops; at 1,000 pieces of marijuana seedlings.

Kabilang naman sa umano’y noteworthy accomplishments o bigating huli ang 86.7 kilos ng shabu (halaga: P589.98M) – interdiction operation sa Brgy. Rio Hondo, Zamboanga City (Agosto 31); 70 kilos ng shabu (halaga: P476M) – nasabat sa loob ng courier warehouse sa Vitas, Tondo (Setyembre 2); 11 kilos ng shabu (halaga: P74.8M) – nakumpiska sa Clark Freeport Zone, Mabalacat, Pampanga (Agosto 30).

Pinapurihan ni PDEA Director General Usec. Isagani R. Nerez ang kanyang mga tauhan sa matagumpay na operasyon at iginiit ang pagtutok nila sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin at panatilihin ang pinaigting na kampanya laban sa droga sa buong bansa.

(JESSE RUIZ)

170

Related posts

Leave a Comment