PATAY ang isang 22-anyos na binata makaraang tumalon mula sa footbridge sa Padre Campa sa España Boulevard, Sampaloc, Manila.
Kinilala ang biktimang si Keilo Acuin, tubong Calbayog City, Western Samar, at nanunuluyan sa Delos Santos Street, Sampaloc, Manila.
Base sa ulat na isinumite ni Police Major Roberto Fajardo, hepe ng University Belt Area Police Community Precinct, kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng Manila Police District – Barbosa Police Station 14, bandang alas-3:15 ng madaling araw nang makatanggap ng report ang PCP hinggil sa insidente.
Agad nagresponde ang mga awtoridad sa lugar at natagpuang nakahandusay na walang buhay ang biktima sa ilalim ng footbridge
Ayon kay Det. Arvy Macarasig, isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima na dinala na sa Body and Light Funeral.
(RENE CRISOSTOMO)
