BOC AT KAPITOLYO SANIB PWERSA KONTRA PIRATA

BILANG na ang araw ng pamimirata ng mga smuggling syndicates sa karagatang sakop ng lalawigan ng Bataan, makaraang lagdaan ng Bureau of Customs (BOC) at ng Bataan Provincial Government ang isang kasunduan para sa mas mabilis na pagresponde at pagtugis sa mga piratang dagat.

Sa isang Memorandum of Agreement (MOA), target nina Bataan Gov. Abet Garcia at Port of Limay District Collector Atty. William Balayo na palakasin ang kapasidad ng mga programa sa pagpapatibay at pagpapahusay ng border protection sa karagatang sakop ng nasabing lalawigan.

Sa paglagda ng MOA sa Camp Tolentino sa Balanga City, ganap nang nagsanibpwersa ang 1Bataan Inter-Agency Action Center (1Bataan-IAAC) at Port of Limay, kasama ang Police Regional Office-3 na pinamumunuan ni regional director Brigadier General Valeriano de Leon at Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Commander Lieutenant General
Marcelo Burgos, ang mabilis

na tugon sa mga insidenteng may kaugnayan sa public health and safety emergency, krimen, terorismo, smuggling at iba pang banta sa karagatan.

Bukod kina Gov. Garcia at Atty. Balayo, kabilang din sa mga lumagda sa MOA sina De Leon at Burgos.

Sa isang pahayag, tiniyak naman ni Balayo ang pakikipagtulungan ng kanilang ahensya sa pagtukoy, pagtunton at pagtugis sa mga sindikato sa likod ng mga tangkang pagpupuslit ng mga iligal na kargamento sa puertong kanyang pinangangasiwaan.

Higit na kilala si Balayo sa nasabing lalawigan bilang kauna-unahang district collector na naglakas loob sumagupa sa sindikato sa likod ng fuel smuggling sa karagatang sakop ng Port of Limay. BOY ANACTA

158

Related posts

Leave a Comment