BOC-CEBU WAGI SA SEPT TARGET

TUMATAGINTING na P4.49 bilyon ang isinampang pondo ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa Cebu, para lang sa buwan ng Set­yembre.

Sa datos ng BOC Financial Service Office, lumalabas na lumabis pa ng mahigit isang bilyong piso ang kabuuang halagang nalikom ng naturang distritong naatasang mango­lekta ng P3.354 bilyon mula sa buwis at taripang kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kargamentong dumadaan sa Port of Cebu.

Sa pagtataya ng BOC Financial Service Office, umabot naman sa 33.81 ang naitalang surplus collection ng BOC-Cebu para sa nakalipas na buwan.

“With everyone’s renewed commitment and revved-up enthusiasm, we again crossed the Four-Billion-Peso mark we first breached in July. We have also set the Port’s highest quarterly collection this year at Php 12.38 Billion,” saad naman ng isang pahayag mula sa tanggapan ni BOC-Cebu District Collector Charlito Martin Mendoza.

Sa pagpasok pa lang ng kasalukuyang taon, agad na nagpamalas ng sigasig sa koleksyon ang BOC-Cebu na bumungad ng P32.574 bilyon – mas mataas ng P4.314 bil­yon kumpara sa nakatakdang target ng naturang distrito para sa buwan ng Enero.

Para kay Mendoza, mas angkop na bigyang pagkilala ang mga kawaning nagpamalas ng dedikasyon at katapatan sa pagtupad ng kani-kanilang tungkulin.

Malaking bentahe rin aniya ang repormang inilatag sa kanyang nasasakupang tanggapan, ang pakikipagtulungan ng mga stakeholders at ang mo­dernisasyon ng buong kawanihan. (JO CALIM)

139

Related posts

Leave a Comment