BOC-K9 BARRACKS PINASINAYAAN

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng Bureau of Customs (BOC) at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang BOC sa pamamagitan ng Enforcement and Security Service (ESS) ay pinasinayaan ang unang BOC K-9 Barracks na matatagpuan sa warehouse 159 Port of Manila South Harbor, Port Area, Manila.

Ang inauguration at blessing ceremony ay dinaluhan nina PDEA Deputy Director General for Administration Randy R. Pedroso, PDEA Director for Plans and Operations Wardley Getalla, PDEA Director for Special Enforcement Rogelito Daculla at PDEA K-9 Chief Erwin Magcamit.

Para naman sa BOC, ang okasyon ay dinaluhan nina Internal Administration Group Deputy Commissioner Donato B. San Juan, ESS Director Yogi Filemon Ruiz at Customs Police Division Acting Chief Special Police Major Isabelo Tibayan III.

Ang facility ay nakadi­senyo sa bahay na may 12 anti-narcotic sniffing dogs at handlers.

Papayagan din sa pasilidad ang storage of vehicles at equipment na kailangan ng K-9 unit na nakatalaga sa dalawang pangunahing ports na kinabibilangan ng Port of Manila at ang Manila International Container Port.

Sa pahayag ni DepComm San Juan nagpasalamat siya sa PDEA para sa kanilang patuloy na suporta.

Inihayag pa niya na sa pamamagitan ng pasilidad, ang K9 units ay magkakaroon na sila ng kanilang lugar na pagpapahingihan bago pa man sila italaga.

Idinagdag pa niya na lahat ng Ports nationwide ay may parehong pasilidad sa nalalapit na panahon.

Para naman kay Deputy Director General for Administration Randy R. Pedroso tiniyak niya ang patuloy na suporta ng PDEA sa Bureau of Customs.

Nagpasalamat din siya sa Bureau para sa akomodasyon ng PDEA personnel.

Nagpahayag din si Pedroso ng kanyang optimismo na ang partnership sa pagitan ng BOC at PDEA ay magpapalakas sa pagsisikap ng gobyerno laban sa illegal drugs.

Ang ESS ay nananatili naman sa kanilang matatag na pagsisikap para ipursige ang mandato ng Bureau of Customs sa seguridad ng hangganan at suporta sa Duterte Administration sa giyera laban sa illegal drugs sa ilalim ng pamumuno ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero. (Joel O. Amongo)

383

Related posts

Leave a Comment