Ang Bureau of Customs (BOC), sa ilalim ng Executive Order No. 136 series of 2021, ay nakiisa sa Trade Facilitation Committee bilang Vice-Chairperson.
Sa Executive Order (EO) na nilagdaan noong Mayo 18, 2021 ni President Rodrigo R. Duterte na pagbuo ng Philippine Trade Facilitation Committee (PTFC) ay bilang pagtupad sa World Trade Organization – Trade Facilitation Agreement (WTO-TFA).
Layunin ng pagbuo ng nasabing committee ay para sa paghahanay at pagpapaganda ng pamamaraan at pagpapadali sa implementasyon ng ‘rational, efficient, and simple customs rules’.
Ang committee ay pag-aaralan, ang panakula at makikipag-ugnayan sa posisyon, akibtidad o aksyon ng Philippine government sa implementasyon ng WTO-TFA at iba pang pangakong pagpapadali sa kalakalan.
Ang PTFC ay magsusumite rin ng compliance reports at upang isulong ang interests ng bansa sa meetings kaugnay sa implementasyon ng WTO-TFA at iba pang pagpapadali sa kalakalan.
Sa panukalang regulasyon sa kalakalan, pamamaraan at mga kasanayan ang magpapabilis sa galaw at clearance ng kalakal na isusumite ng PTFC sa National Economic and Development Authority (NEDA) Board Committee on Tariff and Related Matters (CTRM).
Ang utos ay direkta sa committee para sa regular na pagre-report sa NEDA Board CTRM at naghahangad ng kanilang pagsang-ayon na may kaugnayan sa pagpapaandar ng ‘functioning of the body’.
Kaugnay nito, sa PTFC nakaatang ang koordinasyon sa may kaugnayang government agencies at stakeholders na may kinalaman sa kalakalan na usapin.
Ang body ang naatasan na makipag-coordinate sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) para matiyak ang pagsunod sa Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, na may kaugnayan sa kalakalan.
Ang BOC, bilang Secretariat para sa PTFC, ay magbibigay ng administrative at technical support sa committee.
Tinanggap naman ng Bureau of Customs ang nasabing mga responsibilidad at pangako na patuloy ang kanilang suporta sa inisyatiba ng gobyerno para sa pagbabawas ng gastusin sa trade transactions at pagpapaganda ng international trade. (Joel O. Amongo)
