BOMBA NATAGPUAN SA SUBDIBISYON

CAVITE – Isang bomba ang natagpuan sa loob ng isang subdibisyon sa bayan ng Naic sa lalawigang ito.

Ayon sa salaysay ni Al Lorenzo Bancolita, security officer, nagsasagawa siya ng roving patrol sa loob ng Echauz Subdivision sa Brgy. Sabang sa Naic, dakong alas-3:00 ng hapon noong Biyernes nang mapansin niya ang isang bomba sa isang bakanteng lote sa lugar.

Agad niya itong ipinaalam sa Naic Municipal Police Station (MPS) na siyang nag-report sa Provincial Explosive Ordnance Division (EOD). (SIGFRED ADSUARA)

 

257

Related posts

Leave a Comment