MAY kumakalat sa Twitter na #BoycottDarna.
Nag-trending ang nasabing twit na lumabas lang nitong July 23, 2022.
Isang netizen na may username na @YesYesyo13 ang nag-tweet na “Guys, let’s give the Kakampwets a taste of their own cancel culture. PINK SI @Imjanedeleon. LET’S BOYCOTT DARNA!!”
Nilagyan niya ito ng hashtag na #BoycottDarna.
Si Jane de Leon ang gaganap na Darna ang tinutukoy na ‘pink’ sa twitter na eere na sa August 15.
Nag-react ang ibang netizens at may nagsabing parang asal-bata naman kung ang magiging dahilan ay Kakampink ang aktres nu’ng eleksyon.
May ganti rin naman ang Kakampinks.
Boycott Maid in Malacañang naman daw ang gagawin ng mga pro-Leni.
Ayon naman sa ibang netizens,
marami pa rin daw pala ang hindi nakaka-move on sa mga naganap noong nakaraang halalan, at hindi pa tapos ang away dahil lang sa pulitika.
Wala pang reaksyon si Jane hinggil sa tweet na boykot isyu.
493 