Brian Yamsuan sure winner na; Goodbye Gus Tambunting!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA

SI Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan na nga ba ang tatapos sa political career ni Congressman Gus Tambunting – na maraming taon nang “saklot sa kamay” nito ang 2nd District ng Paranaque City?

Usap-usapan na po kasi dear readers, sa Parañaque distrito 2 ang nalalapit na pagbagsak sa kapangyarihan ng Tambunting sa lungsod.

Biruin n’yong ginagawa na lang ng mag-asawang Gus at Joy Tambunting ang distrito ng siyudad na family business at, ano ang naging pakinabang ng mga residente sa kanilang kuno ay serbisyo publiko?

Eto ang patunay: mahigit na 30 taon na po sa kapangyarihan si Gus. Una siyang naging konsehal ng lungsod mula 1988-1995 at 2001-2007. Pagkatapos ay umakyat siyang vice mayor mula 2007-2013. Naging 2nd district congressman mula 2016-2019. Bumaba ito sa puwesto para ang asawa namang si Joy ang kumatawan sa distrito mula 2019-2022. At muling nagbalik si Gus nitong 2022.

Tama bang magpalitan na lang ang mag-asawang ito sa puwesto sa Kamara na para bang sariling bahay nila ang Kongreso?

Ang maliwanag, pamilya nila ang umasenso, ang umunlad, pero ang pinangakuang constituents, gumaan ba ang pamumuhay, umasenso ba tulad ng madalas na ipinangangako nila, kada eleksyon?

Ngayong 2025 midterm elections ay alam na ng mga taga-2nd District ang sagot, kaya nga ang sigaw at naisin ng mga tao, palitan na, iba naman ang dapat na maging kinatawan nila sa Kamara.

At sa Mayo 12, 2025, may pagkakataon na mangyari ito sa katauhan ni Party-list Rep. Yamsuan na inaalok ang sarili na kapalit ng mag-asawang ang “negosyo” ay politika, na sarili lamang nila ang may pakinabang.

Ang alok ni Partner Cong. Brian ay bagong Pag-asa (Hope) na nakita niyang kulang o konti lamang ang natitikmang gaan sa pamumuhay ng ka-distrito.

Ano ito? H.O.P.E. na kumakatawan sa matagal nang hinihintay ng mga taga-2nd District at ito ay — Health, Opportunities, Peace and Education (HOPE).

***

Kilatisin natin si Yamsuan na ngayon ay Bicol Saro Party-list representative, at ‘di na rin naman bagito sa paglilingkod sa gobyerno.

Nasa kolehiyo pa lamang si Cong. Brian ay nagsimula nang magtrabaho sa ilalim ni ex-Senate President Edgardo “Edong” Angara. Nagtrabaho rin siya bilang chief of staff ng yumaong dating Senadora Tessie Aquino-Oreta. Naging pinuno siya ng media relations department ng Malacañang at chief of staff ni ex-Press Secretary Ricardo “Dong” Puno. Na-appoint siya bilang Assistant Secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG), at noong 2019 ay naglingkod kay Speaker Alan Peter Cayetano bilang Deputy Secretary General ng House of Representatives.

Bakit ba kailangan pang kumandidatong regular na kongresista itong si Bicol Saro Party-list Congressman Yamsuan at ialok ang sarili sa Paranaque residents?

Marami kasing kulang na serbisyo at ito ay ipinararating kay Cong. Brian at siya bilang kinatawan ng maliliit na sektor ng kababayan natin, nakikinig, nakikipagsalo-salo sa mga hinaing at nagpapasiya.

Kailangan nang tugunan ang mga naisin ng mga kababayan sa lungsod.

Kaya ito ang mensahe niya: “Hindi tayo pwedeng magbulag-bulagan sa maraming pagkukulang na nangyayari sa ating distrito kaya narito ako, samahan n’yo ako tungo sa tagumpay bilang congressman ng second district.” *** Bakit kailangan nang palitan si Gus?

Pagdating sa halalang lokal, ang kalidad ng paglilingkod sa bayan ay matimbang na elemento pagdating sa pagkapanalo sa halalan. Alam nating kahit makapangyarihan ang pulitiko, may malakas na makinaryang pulitikal at limpak-limpak ang salapi, ay maari paring matanggal sa puwesto kung ayaw na sa kanya ng tao dahil sa maraming pagkukulang sa serbisyo.

Isang halimbawa ay ang pagkapanalo ni Vico Sotto bilang Pasig City mayor laban kay Bobby Eusebio noong 2019. Ito ang nagwakas sa 27 taon na pamamayagpag ng Eusebio sa Pasig

Napatumba rin ng isang bagito, si Edwin Jubahib, si Rodney del Rosario bilang governor ng Davao del Norte noong 2019 elections, na siyang nagtapos sa paghahari ng Del Rosario political dynasty sa lalawigan.

Si Rodney ay natalo gayong siya ay kandidato ng kanyang ama na si Rodolfo del Rosario, na dating congressman at gobernador ng Davao del Norte. Maging ang kapatid ni Rodney na si Anthony del Rosario ay natalo ni Pantaleon Alvarez bilang 1st District congressman ng lalawigan.

Maging si Davao del Norte 2nd District Cong. Antonio Floirendo na 12 years congressman ay natalo ni Aldu Dujali noon 2019.

Bago pa man makilala si Yamsuan bilang simbolo ng pagbabago sa Parañaque ay tagilid na ang lagay ni Tambunting. Yes! Patunay nito ay ang pagtakbo ng abogadong si Josef Maganduga noong 2022. Siya ay tumakbo sa ilalim ng ‘di kilalang Samahang Kaagapay ng Agilang Pilipino o Agila, laban kay Tambunting na mula sa National Unity Party (NUP), isang matagal nang malakas na partido.

Kumpara kay Tambunting, walang malawak na makinarya, pondo at ‘di kilala si Maganduga. Gayunpaman, nakakuha siya ng 47.11 percent ng mga boto kumpara sa 52.89 percent ni Tambunting.

Kung magbabasa ng mga komento sa social media at kung makikinig ka mismo sa mga hinaing ng mga taga-Distrito Dos, makikitang “umay na umay” na sila sa matagal nang nakaupong Tambunting. Karaniwan nang reklamo nila ay pinipili lang daw ni Tambunting ang mga tinutulungan, kaya’t pinagtatawanan na ang tagline niyang “Laging Naglilingkod sa Parañaque” (daw). Sanabagan!

O mga taga-2nd District ng Paranaque, kailangan na nga ng bago, may malasakit at mapagkalingang kinatawan kayo.

At umasa kayo, tutuparin ni Cong. Brian ang pangako niya — na siya ang bahala sa inyo, at kayo ang bahala sa kanya na iluklok sa Kongreso bilang kinatawan ninyo.

Cong. Yamsuan sure winner na; Goodbye Gus Tambunting!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon, sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.

58

Related posts

Leave a Comment