BRP Ang Pangulo GAGAMITING FLOATING HOSPITAL

IPINAGAGAMIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ‘BRP Ang Pangulo’ bilang floating hospital.

Nauna nang inihayag ng Chief Executive na gamitin ang lahat ng resources ng pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta kasama na ang atensiyong medikal.

Kaugnay nito, sinabi ni Acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na kumikilos na ang Department of Health para sa pagpapadala ng augmentation force ng mga health personnel.

Maging ang Eastmincom ay magsisimula na ring magdeploy ng medical team upang umasiste at sumuporta sa DOH na tutugon sa mga biktima ng kalamidad na nangangailangan ng gamutan.

Ang BRP ‘Ang Pangulo’ ay isang Presidential yacht na nuong unang pumutok ang COVID-19 ay ginamit na floating facility para sa COVID-19 patients dahilan upang itoy i-convert bilang medical ship. (CHRISTIAN DALE)

133

Related posts

Leave a Comment