BSP BINULABOG NG BOMB THREAT

BINULABOG ng bomb threat ang tanggapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Roxas Boulevard sa Maynila noong Huwebes.

Ayon sa Manila Police District (MPD), nakatanggap ng email ang ilang empleyado mula sa isang nagpakilalang Japanese lawyer na nagbanta ng pagsabog pasado alas-tres ng hapon sa ilang pampublikong transportasyon.

Agad namang nagresponde ang mga pulis at sinuyod ang lugar kasama ang kanilang K9 unit.

Matapos mag-inspeksyon, walang natagpuang bomba o anomang delikadong bagay.

Gayunman, pinaigting ng MPD ang seguridad sa lungsod at inatasan ang lahat ng station commanders na makipag-ugnayan sa transport groups at operators at ibang ahensiya para sa mas mahigpit na security protocols.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Anti-Cybercrime Team para matunton kung saan nagmula ang banta.

(RENE CRISOSTOMO)

17

Related posts

Leave a Comment