RISA KULELAT SA 2028 PRESIDENTIAL SURVEY

LAGAPAK si Senadora Risa Hontiveros sa pinakabagong survey ng WR Numero para sa karera sa pagkapangulo sa 2028 elections.

Batay sa survey ng WR Numero, nakatanggap lang si Hontiveros ng 1.4 percent, mas mababa ng 0.9 percent sa rating na kanyang nakuha noong Abril 2025.

Nangungulelat si Hontiveros sa nangungunang si Vice President Sara Duterte, na nakakuha ng 31.4 percent rating.

Una nang binansagan ni dating Senador Antonio Trillanes si Hontiveros bilang pinakamalakas na kandidato ng oposisyon laban kay VP Sara sa eleksiyon sa 2028.

Ayon kay Trillanes, subok na ang paninindigan ni Hontiveros at siguradong tutugisin ang mga Duterte sa kanilang pagkakasala.

“The person I see right now as the best choice is Sen. Risa Hontiveros. Why am I ruling out Sen. Bam Aquino and Mayor Leni? Don’t get me wrong, they are good people, and under peaceful conditions, they can probably rule the country well,” wika ni Trillanes.

“But that’s not the world we live in. There are evil forces at play here. So you need to stand up. And Senator Risa has demonstrated that time and again,” dagdag pa niya.

211

Related posts

Leave a Comment