(NI BERNARD TAGUINOD)
BINAWI ng isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para sa unang pagbasa sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Miyerkoles ng gabi.
Ginawa ni House deputy speaker Luis Raymond “LRay” Villafuerte ang aksyon habang nasa gitna na ang House committee on appropriations sa pagdinig sa budget ng iba’t ibang departamento at ahensya ng gobyerno.
Ayon kay Villafuerte, kailangang masiguro na hindi maulit ang nangyari sa 2019 national budget na nadelay dahil sa may mga kongresista ang nagsingit ng pondo sa pambansang pondo dahil sa pagmamadali kaya winithdraw nito ang 2020 General Appropriations Bill (GAB).
“The House leadership under Speaker (Alan Peter) Cayetano is fully committed to having the 2020 General Appropriations Bill (GAB) acted upon in a timely manner and for all committee and plenary deliberations on this bill fully transparent and in keeping with the Supreme Court’s landmark ruling against so-called pork barrel funds for legislators but this legislative process must not be done with undue haste or making a mockery of the House’s constitutional power of the purse,” ani Villafuerte sa isang statement Linggo ng gabi.
Ginawa ni Villafuerte ang nasabing statement bilang reaksyon sa pahayag ni Davao City Rep. Isidro Ungab na binawi nito ang nasabing panukala sa plenaryo nang atasan nito noong Miyerkoles ng gabi ang secretariat ng kanyang komite na ihain House Bill No. 4228 para sa first reading habang nagsasagawa ang mga ito ng budget hearing.
Ayon sa mambatas, hindi kailangan ang tinatawag nitong ‘short-circuit’ sa legislative process upang maipasa lamang ang GAB sa unang linggo ng Oktubre kaya winithdraw nito ang nasabing panukala.
Sinabi ni Villafuerte na ‘premature’ ang paghahain ng nasabing panukala para sa first reading dahil hindi pa tapos ang pagdinig sa budget ng mga ahensya ng gobyerno kaya ginawa nito ang nasabing aksyon.
Ginawa ito ni Villafuerte habang nasa China si Cayetano na kabilang sa entourage ni Pangulong Rodrigo Duterte sa official visit sa nasabing bansa.
“The bill’s withdrawal was not an issue; it was just a procedural matter as the presentation of the budget proposals of all government offices before the House appropriations committee have yet to be completed at the time of HB 4228’s filing on first reading,” ayon pa kay Villafuerte.
324
