TODO ang suporta ni Senador Win Gatchalian sa 2026 budget ng mga ahensiyang may kinalaman sa sining at kultura.
Sa budget hearing na pinamunuan ni Senador Loren Legarda nitong Biyernes, Setyembre 19, iginiit ni Gatchalian na dapat lang bigyang pansin ang pagpapaunlad ng kultura at sining sa bansa.
“Alam nating lahat na ikaw (Legarda) ang pinaka-mahilig sa arts and culture. Kaya noong ako pa ang chair ng basic education committee, ginawa nating special committee ang arts and culture para mas mabigyan ng focus,” ani Gatchalian.
Kabilang sa mga nakatakdang pondohan sa 2026 ang National Archives, NCCA, NHCP, National Library, Commission on Filipino Language at Cultural Center of the Philippines.
(DANNY BACOLOD)
