BULACAN PNP KASADO NA SA ‘BALIK ESKWELA 2022’

CAMP General Alejo S. Santos, City of Malolos, Bulacan – Inanunsyo ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), sa pangunguna ni OIC Provincial Director, P/Lt. Col. Jacqueline Puapo, nasa kabuuang 297 police personnel kabilang ang Covid-19 patrollers, ang nakatakdang i-deploy sa pampubliko at pribadong mga paaralan at unibersidad gayundin sa ‘areas of convergence’ at ibang vital facilities bilang paghahanda sa “Ligtas Balik Eskwela” sa Lunes, Agosto 22, 2022.

“In response to the requirements and inquiries relevant to the opening of schools, the Bulacan PPO created Police Assistance Desks (PADs), in the nearby school vicinity,” ayon kay Puapo.

Nabatid na nakapag-produce na ang Bulacan ng flyers, brochures, at iba pang Information, Education and Communication (IEC) materials para sa “Ligtas Balik Eskwela 2022” at naipamahagi sa lahat ng province’s educational institutions.

Ang pagpapakalat ng police personnel ay maghahatid ng seguridad at traffic management at pagpapatupad ng basic public health requirements na siyang nais gawing episiyente ng Bulacan PPO.

Dahil dito, ang mga pulis ay mas magiging visible at ang kanilang presensiya ay paiigtingin at magpapahintulot sa kanila na harapin ang ano mang ‘potential issues and concerns’.

Sisiguruhin din nito ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, guardians, at mga guro partikular na sa bisinidad ng paaralan at kokontrol sa ano mang ‘potential crimes’ na maaaring mangyari. (ELOISA SILVERIO)

382

Related posts

Leave a Comment