BULKANG KANLAON ITINAAS SA ALERT LEVEL 2

INIHAYAG ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na itinaas sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon nitong Martes ng umaga, Agosto 20.

Ayon sa Phivolcs, nakapagtala ng isang volcanic earthquake sa paligid ng bulkan.

Nabatid pa sa Phivolcs, namataan din ang pagbuga ng puting usok sa bunganga ng bulkan na may 200 metrong taas, at nakita ang pamamaga nito.

Kaugnay nito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anomang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagputok nito. (PAOLO SANTOS)

153

Related posts

Leave a Comment