(NI VTROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor/Photo by WENDELL ALINEA)
LAS VEGAS – Manalo man o matalo, garantisado ang mga premyong tatanggapin nina eight division world champion Manny Pacquiao at Keith Thurman sa kanilang WBA welterweight showdown.
Base sa inilabas na listahan ng Nevada State Athletic Commission (NSAC) sa mismong araw ng laban, si Pacquiao ay nakatakdang magbulsa ng $10-million, habang si Thurman nama’y $2.5-million ang iuuwi.
Pero, hindi lamang iyon ang nakatakdang tanggapin ng dalawang boksingero, ayon sa ulat ng ESPN.
Ang 40-anyos na si Pacquiao ay inaasahang magbubulsa ng tinatayang mahigit $20-million, habang si Thurman nama’y aabot pa sa $8-million.
Saan manggagaling ang nasabing halaga?
Magmumula ito sa share ng dalawang boksingero sa pay-per-view ng kanilang laban.
Noong 2015 nang maglaban sina Pacquiao at Floyd Mayweather, sinasabing nagbulsa ang Filipino ring icon ng $120-million bilang bahagi ng $300-million split purse prize nila ni Mayweather.
Ang nasabing engkwentro ay ‘best selling fight’ sa kasaysayan ng professional boxing, matapos tumabo sa pay-per-view.
148