BUMAGSAK NA EROPLANO, KINONTRATA NG U.S. DEPARTMENT OF DEFENSE

KUMPIRMA kahapon ng US Indo-Pacific Command na kinontrata ng U.S. Department of Defense ang bumagsak na eroplano sa Maguindanao del Sur na ikinamatay ng apat katao.

Sa inilabas na pahayag ng INDOPACOM na ibinahagi ng U.S, Embassy in Manila, kinumpirma ng United States Department of Defense na kinontrata nila ang eroplanong bumagsak sa Maguindanao del Sur noong Huwebes.

Ayon sa US Indo Pacific Command, nagsasagawa noon ng intelligence, surveillance at reconnaissance support ang Beechcraft King Air 300 aircraft na galing Cebu patungong Cotabato City.

Nangyari ang insidente habang isinasagawa ang routine mission bilang suporta sa US – Philippine Security Cooperation Activities.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, walang nakaligtas na sakay ng eroplano kung saan lulan ang isang US military serviceman at tatlong defense contractor.

Hindi pa kinukumpirma ng U.S. Embassy sa Manila kung Pilipino ang tatlong nasawing contractor na kasama ng isang American national. Tumanggi munang magbigay ng pagkakakilanlan ng mga biktima ang tanggapan dahil hindi pa umano napagsabihan ang mga kaanak ng mga ito.

Bagaman’t may ulat na hawak na ng Maguindanao Disaster Risk Reduction Management Office ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

“The aircraft was providing intelligence, surveillance, and reconnaissance support at the request of our Philippine allies. The incident occurred during a routine mission in support of U.S.-Philippine security cooperation activities,” ayon sa inilabas na statement ng INDOPACOM.

Hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye ang INDOPACOM lalo’t nagpapatuloy pa ang masusing imbestigasyon hinggil sa sanhi ng pagbagsak ng Beechcraft King Air 300 aircraft na galing Cebu patungong Cotabato City.

“We can confirm no survivors of the crash. There were four personnel on board, including one U.S. military service member and three defense contractors. (JESSE KABEL RUIZ)

6

Related posts

Leave a Comment