BUONG PWERSA NG MANILA LGU, MPD KASADO NA SA NOV. 30 RALLY

HANDA na ang puwersa ng pamahalaang lungsod ng Maynila kaugnay sa mga kinakailangang aksyon para sa idaraos na Anti-Corruption Protest Rally sa Nobyembre 30.

Upang mapanatiling maayos at payapa ang malawakang rally, inatasan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang lahat ng station commanders ng Manila Police District (MPD) at hepe ng bawat departamento na paghandaan ang nasabing aktibidad.

Pinatitiyak din ng alkalde sa Manila Health Department, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, MTPB MPD, Department of Public Services, at Manila Department of Social Welfare, na siguruhing magiging payapa, organisado, at ligtas ang araw ng protesta.

Samantala, hiniling ni Moreno na igalang ang karapatan ng bawat isa na dadalo sa pagtitipon.

Mahigpit ding nagpaalala si Mayor Isko sa bawat departamento na pangalagaan ang mga pampublikong pasilidad sa buong lungsod.

Panawagan pa ng Manila LGU sa mga magkikilos-protesta na iwasan ang pag-spray paint sa pader, paninira ng mga kagamitan, at maglunsad ng anomang uri ng kaguluhan.

(JOCELYN DOMENDEN)

46

Related posts

Leave a Comment