NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Tourism (DOT) at ang Visa, global leader sa digital payment, upang mapabilis ang digital na pagbabago sa sektor ng turismo.
Sa ginanap na Memorandum of Understanding (MOU) sa DoT Central Office sa Makati City, nilagdaan ang partnership nina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at Visa regional head para sa Southeast Asia, Visa Government Solutions Bella Lai.
Ayon sa Visa, ang inisyatiba ay nagtutulak ng digital payment acceptance sa pangunahing mga destinasyon ng turista, sumusuporta sa micro, small, at medium enterprises, at nagpapatakbo ng data-driven tourism planning.
Para sa mga manlalakbay, ito ay nangangahulugang mas seamless at secure na digital na pagbabayad; para sa mga lokal na negosyo, ito ay magbibigay ng mga tool upang lumago; at para sa mga komunidad, mga insight at digital na kasanayan, na lumilikha ng mas konektado, inklusibong karanasan sa turismo at nagpapabilis, sa kabuuan, sa sustainable tourism growth sa Pilipinas.
Sa ilalim ng MOU, ang Visa at DoT ay magtutulungan sa mga inisyatiba gamit ang data insights upang palakasin ang pagpaplano ng turismo, mapabilis ang paggamit ng digital na pagbabayad, at bumuo ng digital na kasanayan sa loob ng mga komunidad ng turismo sa buong bansa.
Ayon sa Visa 2023 Global Travel Intentions Study, mas gusto ng mga turista ang cashless at sinabing 97 porsiyento ng mga manlalakbay sa Asia Pacific ay nagdadala ng debit, prepaid, at credit cards sa kanilang mga biyahe, at 17 porsyento lamang ang nagdadala ng foreign currency.
(JOCELYN DOMENDEN)
48
