BUS COMPANY NAGSUSPINDE NG BYAHE SA REGION 11 AT 12

NORTH COTABATO – Simula noong Sabado ay nagsuspinde ang Yellow Bus Line ng biyahe sa lahat ng ruta nito sa Soccsksargen at Region 11 o Davao region.

Sa isang pahayag, sinabi ng YBL management na simula nitong Septembet 5 UNTIL FURTHER NOTICE ay suspended ang passenger bus operations nito dahil sa ipinatutupad na regional lockdown.

Ang YBL ay may mga passenger bus na ang biyahe ay mula Gen. Santos City patungong Polomolok-Tupi- Koronadal City – Tantangan-Tacurong City-Isulan-Esperanza-Sto Nino-Surallah-Banga at balik ng Koronadal.

May ruta rin ito mula Tacurong City patungong Pres. Quirino-Buluan-Tulunan-Mlang-Kidapawan-Makilala at GenSantos City-Malungon-Padada-Digos-Sta. Cruz-Davao City and vice versa.

Lahat ‘yan suspendido muna, ayon sa YBL.

Ang suspensyon ay dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 sa South Cotabato kung saan ang YBL ay may main office sa Koronadal city. (BONG PAULO)

204

Related posts

Leave a Comment