BUSINESSWOMAN PINATAY SA CONVENIENCE STORE

BATANGAS – Patay ang isang businesswoman matapos  na barilin ng dalawang gunman sa loob ng convenience store sa bayan ng Malvar sa lalawigang ito, noong Huwebes.

Ayon sa report ng Malvar Police, nasa loob ng kanyang convenience store sa Brgy. Santiago, ang 55-anyos na biktimang si Eufemia Buno nang pumasok ang dalawang suspek dakong alas-7:15 ng umaga.

Walang sabi-sabing binaril umano ng dalawang beses ng mga suspek ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril at sumakay sa isang naghihintay na koste at iniwan ang kanilang motorsiklo.

Agad nagsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Malvar Police at inalam kung sino ang may-ari ng naiwang motorsiklo.

Makalipas ang anim na oras, naaresto ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek na isang 43-anyos na broker sa bahay ng biktima, sa Brgy. San Fernando sa nasabing ring bayan.

Pinaghahanap pa ang kasama nito habang inihahanda na ang kasong murder laban sa mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

151

Related posts

Leave a Comment