BUWIS NG MGA SCAMMER SA PHILHEALTH PINABUBUSISI

philhealth

(NI BERNARD TAGUINOD)

IPINABUBUSISI ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang binabayarang  buwis ang mga scammer sa Philhealth dahil malamang ay nandaraya rin umano ang mga ito.

Ginawa ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang direktiba sa BIR matapos mabunyag ang  anomalya sa paniningil ng WellMed Dialysis Center ng bayad sa Dialysis sa Philhealth kahit patay na ang kanilang pasyenate.

“Those scamming Philhealth are easily 10 times more likely to be cheating on their taxes as well,”  ani Pimentel dating chair ng House good government and public accountability.

Bago ang WellMed ay marami pang private medical companies ang nasangkot sa anomalya sa Philhealth tulad ng Cataract operation scam, Pneumonia scam at

iba pa kaya bilyun-bilyong piso ang nawawalang pondo.

Nais ng mambabatas na tumbukin na ang binabayarang buwis ng mga scammers at parusahan ang mga ito kapag napatunayang nandaraya ang mga ito sa pagbabayad ng buwis  bukod sa pagnanakaw sa Philhealth funds.

“Of course, the best way to fight these scammers is to prosecute them and put them all behind bars. Philhealth should also refer all fraud cases to the BIR for appropriate action,” anang mambabatas.

149

Related posts

Leave a Comment