BYSTANDER SA SEPT. 21 RALLY NAGSUMITE NG COUNTER-AFFIDAVIT SA DOJ

NAGSIMULA na kahapon ang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors sa reklamong inihain ng PNP–Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga lumahok sa malawakang September 21 rally kontra korupsyon sa Maynila.

Kabilang sa mga nagsumite ng counter-affidavit ang 18-anyos na kliyente ni Atty. Katherine Panguban ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) upang pabulaanan ang kasong sedition at inciting to sedition.

Iginiit ng abogada na walang kinalaman sa kilos-protesta ang kanyang kliyente at nagkataon lamang na isa itong bystander na nasa gilid ng kalsada nang arestuhin ng mga pulis sa kasagsagan ng rally.

Sa kanilang kontra-salaysay, isinalaysay ng kampo ang aktuwal na nangyari at ang sinapit ng kliyente matapos itong damputin ng mga awtoridad.

Ayon sa NUPL, aabot sa 30 respondents ang nagsumite ng kani-kanilang counter-affidavit. Itutuloy ang preliminary investigation ngayong Huwebes, Enero 29, 2026.

Una nang iginiit ng ilang respondents na walang sapat na basehan ang reklamo ng pulisya at mas nararapat umanong panagutin ang mga sangkot sa umano’y korupsyon sa mga flood control projects.

(JULIET PACOT)

10

Related posts

Leave a Comment