NAGSIMULA nang bumiyahe kahapon (October 6) ang PNR train mula sa Calamba City hanggang Lucena City and vice versa.
Ayon sa PNR, ang Inter-Provincial Commuter Lucena – Calamba City ng Philippine National Railways ay dudugtong sa unang binuksan na San Pablo-Lucena City route.
Ang inisyal na schedule ay mayroon lamang tig-isang biyahe ng tren sa maghapon, araw-araw.
Aalis sa Lucena City ang tren na diretsong Calamba City tuwing alas-4:50 ng madaling araw at ang Calamba to Lucena naman ay tuwing alas-6:30 ng gabi.
Ang diretsong pamasahe ay nagkakahalaga ng P105.00 at P84.00 naman ang discounted fare para sa mga estudyante, PWD at senior citizens. Mayroon itong labing isang istasyon.
Mananatili naman ang San Pablo-Lucena City and vice versa schedule ng PNR na unang ng binuksan noong June 26. (NILOU DEL CARMEN)
