CAMANAVA COVID DEATHS, UMAKYAT SA 1,297

SAMPU pang bagong namatay sa COVID-19 ang naitala sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 17, habang umakyat na sa 1,297 ang death toll sa pandemya at lumobo sa 2,744 ang active cases.

Sa Caloocan City, lima ang namatay sa COVID-19 noong Miyerkoles, 830 ang active cases, habang sumampa sa 15, 850 ang confirmed cases. Sa bilang na ito ay 14,512 ang gumaling at 508 ang namatay.

Isa ang namatay sa Brgy. Concepcion, Malabon City, habang 44 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 7,899 na positive cases sa lungsod, 637 dito ang active cases.

Umabot naman sa 79 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 6,980 na ang recovered patients ng siyudad at 282 ang pandemic death toll.

Apat ang namatay sa lungsod ng Navotas, 750 ang active cases, 31 ang gumaling at 22 ang nagpositibo sa swab test.

Umakyat na sa 6,943 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod. Sa bilang na ito ay 5,980 na ang gumaling at 213 ang namatay.

Sa Valenzuela City, umakyat sa 527 ang active COVID-19 cases matapos na 78 ang madagdag sa confirmed cases at 17 ang gumaling.

Pumanhik na sa 11,059 ang kumpirmadong kaso ng pandemya sa lungsod. Sa bilang na ito ay 10, 238 na ang gumaling at 294 ang namatay. (ALAIN AJERO)

217

Related posts

Leave a Comment