CAMILLE NAG-IKOT SA MGA PALENGKE SA LAGUNA

NAG-IKOT si Senatorial candidate Camille Villar sa mga palengke ng Laguna noong Martes habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang kampanya para sa May 2025 midterm elections.

Naglaan ng oras si Villar para tingnan ang kalagayan ng mga nagtitinda sa Pila at Sta. Cruz public markets sa Laguna kung saan nangako rin siyang uunahin ang mga hakbang na makatutulong upang matugunan ang epekto ng market forces sa presyo ng mga bilihin.

Binigyang-diin ni Villar, na matagal nang nagtataguyod ng entrepreneurship, ang pangangailangang bigyan ang mga market vendor ng access sa kapital upang mapalago ang kanilang kita.

“Nararamdaman natin ang inyong pangangailangan. Patuloy natin kayong tutulungan para mas lalong umasenso tayo,” aniya. (DANNY BACOLOD)

11

Related posts

Leave a Comment