CAMILLE SUPORTADO NG BATAAN

MULING iginiit ni Senatorial millennial candidate Camille Villar ang kanyang suporta sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa Bataan, kasunod ng pag-endorso ng mga lokal na opisyal para sa kanyang senatorial bid sa darating na halalan sa Mayo.

Sina Bataan second district Rep. Albert Raymond “Abet” Garcia, Orani Mayor Efren “Bondjong’ Pascual Jr., at first district provincial board member, Atty. Tony Roman, ay todo suporta sa bid ni Villar.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Camille Villar na noon pa man ay feel at home na siya sa Bataan dahil ipinanganak sa Orani ang kanyang lola na si Curita “Nanay Curing” Bamba Villar.

Si Nanay Curing ang ina ng ama ni Camille na si dating Senate President Manny Villar.

Nangako si Camille na uunahin ang Bataan sa aspeto ng tulong para sa mga industriya nito, gayundin ang sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Tumatakbo para sa Senado sa 2025 na botohan, nangako si Camille Villar na isusulong ang kapakanan ng kababaihan at mga bata, pagpapabuti ng edukasyon, pabahay at agrikultura, at itulak ang financial literacy, kabuhayan at paglikha ng trabaho.

(Danny Bacolod)

43

Related posts

Leave a Comment