CAMILLE VILLAR NAKIISA SA BANGUS FESTIVAL SA DAGUPAN

POSITIBO si Senatorial millennial candidate Camille Villar na ang industriya ng bangus (milkfish) sa Dagupan, Pangasinan ay patuloy na uunlad, dahil sa tagumpay ng aquaculture industry sa lalawigan.

Hindi maitago ni Camille ang excitement nang sumali sa festival kamakailan. Napansin niya ang malalaking uri ng bangus noong Bangusan Street Party na nagtampok ng 20,000 piraso ng bangus sa 1,100 grills.

Matapos dumalo sa Bangus Festival, nangako si Camille Villar na patuloy na magbibigay ng tulong sa sektor ng pangisdaan at agrikultura sa Pangasinan.

Sinabi niya na ang Bangus Festival ay isang selebrasyon ng masaganang ani ng bangus, lalo na sa Dagupan City.

Binanggit din niya ang Bangus Festival bilang isang pangunahing kultural na pagdiriwang na nagpapakita ng mayamang pamana at kontribusyon ng lungsod sa industriya ng aquaculture.

(Danny Bacolod)

39

Related posts

Leave a Comment