PINAIGTING ng pwersa ng PNP-Police Regional Office 5, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, ang kampanya laban sa krimen sa nabanggit na rehiyon.
“Ang ating operasyon kontra ilegal na droga at iba pang krimen ay well-coordinated sa ating mga partner agency kaya naman patuloy ang ating pagkamit ng tagumpay sa labang ito.
‘Di rin natin maikakaila ang suportang mula sa ating mga kababayan kung saan sila mismo ang nagpapaabot ng impormasyon patungkol dito.
Ang ating pagtutulungan ang susi upang tukuyin ang mga taong sangkot sa mga gawaing labag sa ating batas.
‘Di natin sasayangin ang pagkakaisang ito upang itaguyod ang mas ligtas at drug-free na komunidad,” pahayag ni P/BGen. Estomo.
