(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY RAFAEL TABOY)
DAHIL sumabay ang oil price increase sa pagsisimula ng campaign period sa mga national candidate kasama ang mga party-list group, naging sentro ito ng kampanya ng mga militanteng mambabatas.
Sa kanilang kick-off campaign, ginamit ng Gabriela at Bayan Muna party-list group ang nasabing usapin kung saan ibinasura ng mga ito ang depensa ni Pangulong Rodrido Duterte na wala siyang magawa sa oil price increase dahil imported ang produktong ito.
“We beg to disagree. We can do a number of things to at least mitigate or at most stop shocking oil price hikes in the country,” ani Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.
Kabilang sa puwedeng gawin aniya ni Duterte para maibsan ang oil price hike ay basagin ang cartel sa oil industry sa pamamagitan ng pagbili muli sa Petron na isinapribado noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.
“The renationalization of Petron Corporation will ensure public welfare through fair and regulated prices by serving as a counter point to predatory pricing by other oil companies,” ani Zarate.
Kahapon ay muling nagpatupad sa ikalimang pagkakataon ang mga kumpanya ng langis ng oil price increase kung saan tumaas ng 90 sentimos ang bawat litro ng gasolina at 55 sentimos sa diesel.
Sinabi naman ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus na kung nais ni Duterte na bumaba ang presyo ng langis sa bansa bawiin ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN Law).
Dahil aniya sa batas na ito tumaas ng P4.50 ang bawat litro ng diesel at gasolina mula noong 2017 matapos ituloy ang second tranche ng TRAIN Law noong Enero 2019.
“Napakainam na markahan namin sa Gabriela Partylist ang unang araw ng kampanya ng malakas na pagrehistro ng panawagang ibasura ang TRAIN Law at Oil Deregulation Law, lalo pa’t tumaas na naman ngayong araw ang presyo ng langis,”ani De Jesus.
179