CAPIZ NIYANIG NG 4.8 LINDOL

NIYANIG ng magnitude-4.8 earthquake ang Capiz, Huwebes ng gabi, ayon sa Phivolcs.

Bandang alas-8:19 ng gabi nang maramdaman ang pagyanig sa tinatayang 7 kilometers southwest ng San Enrique town na may lalim na 14 km.

Sinabi ni Phivolcs science researcher Benz Rodriguez na dahil mababaw lamang ang epicenter ng lindol kung kaya’t ramdam na ramdam ito ng mga residente.

Kabilang sa mga nayanig na lugar ang:

Intensity IV – Tapaz, Capiz; Passi City at Dingle, Iloilo

Intensity III – Iloilo City; La Carlota City, Negros Occidental; Bacolod City

Intensity II – President Roxas, Capiz

Sinabi ng Phivolcs na hindi inaasahan ang pagkasira ng mga ari-arian. Hindi rin inaasahan ang aftershocks.

262

Related posts

Leave a Comment