CAREER HIGH KAY ALEX EALA

NAABOT ni Pinay netter ­Alexandra “Alex Eala ang bagong career high matapos umangat sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings.

Sa unang pagkakataon ay ­nakatuntong sa Top 282 ang 17-anyos left-handed na si Eala sa lumabas na WTA Singles Ranking nitong Hulyo 25, 2022.

Gayunpaman bumaba siya sa ITF Singles Ranking, No. 299 mula sa dating No. 267 noong Abril 18, ngayong taon.

Sinimulan ni Eala ang 2022 season bilang No. 529 at nakapagtala ng kabuuang 29 panalo at 12 talo sa hard surface at isang talo sa clay.

Mula sa No. 1180 noong 2020 nang lumahok siya sa women’s pro circuit, malaki ang inangat sa world ranking ng iskolar ng Rafael Nadal Academy na tatlong beses nang umabante sa semifinals ngayong taon, dalawa rito ay sa ITF W60.

Huling nabigo ang Pinay ­teener kay third seed Jessika Ponchet ng France sa W60 Vitoria-Gasteiz sa Spain noong nakaraang linggo.
Bago ito, nakapagbulsa si Eala ng tatlong bronze medal sa debut niya 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. (ANN ENCARNACION)

217

Related posts

Leave a Comment