CARGO TRUCK SINALPOK, RIDER PATAY

PATAY ang isang 41-anyos na motorcycle rider nang bumangga ito sa isang cargo truck nang mag-red signal ang stop light sa Jose Abad Santos Avenue, malapit sa kanto ng Tayuman Street, Tondo, Manila noong Huwebes ng gabi.

Namatay noon din ang biktimang kinilalang si Vincent Hernandez, residente ng Grace Park, Caloocan City.

Samantala, agad namang sumuko ang driver ng cargo truck na si Adan Badal, 64, ng Binondo, Manila.

Si Badal ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

Ayon sa ulat ni Police Corporal Genesis Flagne, na isinumite kay Police Major Jaime Gonzales, chief investigator ng District Management Traffic Enforcement Unit (DMTEU), bandang alas-9:52 ng gabi nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.

Habang binabagtas ni Badal ang kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue (northbound) nang mag-red signal ang stop light kaya bigla itong huminto.

Kasunod naman nito ang rider na hindi nakontrol ang manibela at hindi nakapagpreno naging dahilan upang sumalpok ang motorsiklo nito sa likuran ng cargo truck.

Mabilis na nagresponde ang ambulansiya ng Manila MDRRMO sa pangunguna ni Mervin Castillo, subalit idineklarang patay na ang biktima.

Kusang loob namang sumuko sa pulisya si Badal sa tanggapan ng DMTEU.

(RENE CRISOSTOMO)

 

179

Related posts

Leave a Comment