CATAPANG ITINANGGING SISIPAIN SIYA BILANG BUCOR CHIEF

MARIING pinabulaanan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang kumakalat na balitang malapit na siyang sibakin o palitan bilang pinuno ng ahensya.

Ayon kay Catapang, gawa-gawa lamang ito ng “evil forces” na aniya’y naglalayong sirain ang integridad ng BuCor at guluhin ang tiwala ng publiko.

Nagpahayag ang opisyal ng kumpiyansa sa katatagan ng institusyon at sa maayos na pagganap ng kanilang mandato sa kabila ng umano’y paninira.

Binigyang-diin pa niya ang kahalagahan ng paglaban sa fake news at maling impormasyon upang maprotektahan hindi lamang ang reputasyon ng BuCor kundi pati ang integridad ng mga pampublikong institusyon.

Kumalat kamakailan sa social media ang isang pekeng art card ng isang news outlet na nagsasabing papalitan umano si Catapang ni Nicolas Torre III, kasalukuyang General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bilang hepe ng BuCor.

(CHAI JULIAN)

1

Related posts

Leave a Comment