5 PRIORITY DRUG PERSONALITIES NADAKIP NG PDEA

LIMANG itinuturing na priority drug personalities ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa inilunsad na anti-narcotics operation sa Surigao City. Sa isinumiteng ulat sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez mula sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 13 (PDEA RO 13), nadakip ang limang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation na nagresulta sa pagsamsam sa P420,000 halaga ng hinihinalang shabu. Ayon kay PDEA RO 13 Director Laurefel Lawin Gabales, naglunsad ng joint anti-illegal drug operation sa pangunguna ng Surigao del Norte Provincial Office…

Read More

EPEKTO SA NEGOSYO NG GIYERA SA IRAN PINANGANGAMBAHAN

NABABAHALA ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa posibleng malaking epekto ng hidwaan sa Gitnang Silangan sa negosyo at ekonomiya ng bansa. Ayon sa PCCI, direktang maaapektuhan ang Pilipinas dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo, lalo’t malaking bahagi ng inaangkat na langis ng bansa ay mula sa Middle East. Babala ng grupo, maaaring magdulot ito ng pag-akyat ng inflation na babawas sa purchasing power ng mga mamimili. Nanawagan naman ang Federation of Philippine Industries (FPI) sa pamahalaan na tiyakin ang sapat na suplay ng pangunahing bilihin sa…

Read More

REPATRIATION NG HIGIT 1K PINOY SA MIDDLE EAST MAPANGANIB

INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na delikado sa ngayon ang pagpapauwi sa 1,416 Pilipinong humiling ng repatriation mula sa Gitnang Silangan. Sa press conference sa Kalayaan Hall, sinabi ng Pangulo na isinara na ang mga rutang dati sanang daraanan palabas ng mga apektadong lugar, at marami sa mga paliparan ang tinatamaan ng pag-atake. Sa datos ng pamahalaan, 297 ang nais magpa-repatriate mula Israel, 586 mula Dubai, 270 mula Abu Dhabi, 231 mula Bahrain, 22 mula Jordan at 10 mula Iran. Ayon sa Pangulo, hindi muna maaaring magpalipad ng eroplano…

Read More

SUNTAY SINITA SA ‘KALASWAAN’ SA PAGDINIG SA KAMARA

NAGDESISYON ang House Committee on Justice na ipabura sa opisyal na record ng impeachment proceedings ang naging pahayag ni Quezon City Rep. Jesus Suntay matapos itong magkuwento ng umano’y “imagination” nang makita ang aktres na si Anne Curtis sa isang hotel. Sa pagtalakay ng komite sa ikatlong impeachment complaint laban kay Sara Duterte, iginiit ni Suntay na walang political destabilization o sedition sa pahayag ng Bise Presidente na siya ay isang “designated survivor.” “You know, ‘yung statement being the ‘designated survivor,’ it’s not illegal, it’s not criminal. In fact, it’s…

Read More

Kahit may sapat na suplay PBBM: ENERHIYA TIPIRIN SA GITNA NG TENSYON SA MIDDLE EAST

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng opisyal ng pamahalaan at hinikayat ang publiko na maghanap ng paraan upang makatipid sa paggamit ng enerhiya sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East. Sa press conference sa Kalayaan Hall, tiniyak ng Pangulo na sapat ang suplay ng langis sa bansa ngunit kailangang maghanda sa posibleng pagtaas ng presyo. Ayon sa kanya, may stockpile ang Pilipinas na aabot sa 50 hanggang 60 araw para sa gasolina, fuel oil at kerosene. Naglabas na rin aniya ng direktiba sa lahat ng tanggapan…

Read More

HAZING VICTIM NA INIWAN SA OSPITAL, NAMATAY

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa isang pasyenteng biktima ng hazing na dinala ng isang sasakyang Mitsubishi Mirage sa isang ospital at iniwan na kalaunan ay namatay sa Gen. Trias City noong Linggo, Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng pasyenteng biktima na dinala sa Gen. Trias Medical Hospital sa Brgy. Manggahan, General Trias City, bandang alas-2:11 ng hapon. Ayon sa ulat, isang Mitsubishi Mirage na may plakang NAV 9489, ang dumating sa nasabing ospital na may dalang pasyente na umano’y biktima ng hit and run, tinawag ang hospital…

Read More

20 POSIBLENG KUTA NI ATONG ANG, SINALAKAY

INIHAYAG ni PNP chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na patuloy ang kanilang paghahanap sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang. Sinabi ni Nartatez, sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, hindi lalagpas sa 20 lugar ang sinalakay ng operation team na posibleng pinagtataguan ng negosyante. ‘Yung ibang lugar ay naka-tatlong beses na binisita ng mga operation team, subalit bigo pa rin silang matagpuan. Sa ngayon, tinitingnan nila ang mga kaibigan ni Ang, na posibleng tumutulong sa pagtatago sa negosyante. Meron na rin umanong mga isla rito sa Pilipinas na may…

Read More

ANTI ROAD RAGE ACT, INIHAIN NI SANDRO MARCOS SA KAMARA

BILANG proteksyon sa mga motorista laban sa mga siga-siga sa daan, inihain ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang House Bill No. 8190 o “Anti Road Rage Act.” Layunin ng panukala na gawing criminal offense ang road rage at magpataw ng mabigat na parusa sa sinomang mapatutunayang nagkasala. Ayon kay Marcos, kailangang malinaw ang depinisyon ng road rage at hindi ito dapat ituring na simpleng away-trapiko kung ito ay naglalagay sa panganib sa buhay, ari-arian at kaligtasan ng iba. Sa ilalim ng panukala, ang road rage…

Read More

PNP NAKAALERTO SA POSIBLENG ‘SPILLOVER EFFECTS’ NG GIYERA SA ME

NAKAALERTO ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng spillover effects sa bansa ng nagpapatuloy na giyera sa Gitnang Silangan. Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan na niya ang PNP Intelligence Group na paigtingin ang pagmamanman sa extremist narratives at online radicalization. Bagamat wala pang namo-monitor na direktang banta kaugnay ng sigalot sa Middle East, mahigpit umanong binabantayan ng PNP ang anomang development na maaaring makaapekto sa internal security ng bansa. Patuloy rin ang koordinasyon ng pulisya sa Armed Forces of the Philippines at iba pang…

Read More