GINAWARAN ng National Council for Children’s Television (NCCT) ang programang Masaganang Buhay bilang “Child-Friendly Television Program” dahil sa paghahatid nito ng ligtas, edukasyonal, angkop sa edad at nakatuon sa mabubuting pagpapahalagang programa para sa mga manonood. Ang NCCT, isang attached agency ng Department of Education (DepEd), ay kumilala sa programa dahil sa paghahatid nito ng mga napapanahong kaalaman at praktikal na tips tungkol sa paghahalaman, pagsasaka at sustainable living. Pinangungunahan ni host Mer Layson, isang magsasaka mula sa Mexico, Pampanga, ang Masaganang Buhay, na napapanood sa One PH ng Cignal…
Read MoreCategory: BALITA
P34.66M KAGAMITAN IBINIGAY PARA PALAKASIN SEAWEED PRODUCTION SA ZAMBOANGA
PARA palakasin ang seaweed production, namahagi kamakailan ang Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ng mga kagamitang nagkakahalaga ng P34.66 milyon para sa deep-sea seaweed farming sa buong Zamboanga Peninsula na layuning mapataas ang produksyon, mapalago ang kita sa mga baybaying komunidad at mapatatag ang posisyon ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan ng seaweed. Kaugnay nito, binigyang-diin ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang pangangailangang palawakin ang produksiyon at pagbutihin ang kakayahan ng bansa na makipagkompetensiya sa isang pamilihang kabilang ang…
Read More2 NPA NAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN
KUSANG-LOOB na nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang kasapi ng Communist Terrorist Group ng New People’s Army (NPA) noong Oktubre 26 sa Sarangani Province, kasabay ng pagsuko ng mga kagamitang pandigma. Kinilala ang dalawa sa kanilang mga alyas na “JM,” 20-anyos, at “Arpak” o “Trigo,” 24-anyos. Ayon sa ulat, kabilang sa mga dahilan ng kanilang kusang-loob na pagbabalik-loob ang takot at hirap na kanilang naranasan matapos ang serye ng mga engkuwentro noong Setyembre 14 at 15, kasabay ng patuloy na operasyong militar ng mga tropa ng pamahalaan. Nagkaroon umano ng mga…
Read MoreRIDER, ANGKAS PATAY SA ROAD ACCIDENT
NASAWI ang driver ng isang motorsiklo at babaeng angkas nito nang makasalpukan ang isang Suzuki Ertiga sa kahabaan ng Antero Soriano Highway, Brgy. Lambingan, Tanza, Cavite noong Linggo ng madaling araw. Isinugod ang driver ng motorsiklong Honda na may plakang 156USK, na si alyas “Errol”, 37, at ang angkas nito na si alyas “Rose” sa Tanza Family General Hospital and Pharmacy subalit idineklarang dead on arrival dahil sa malalang sugat sa katawan. Hawak naman ng Tanza Municipal Police Station ang driver ng Suzuki Ertiga na may plakang NDF 6735, na…
Read MoreCAYETANO, NANAWAGAN NG HAYAGANG PANININDIGAN SA ‘POLITICAL NEUTRALITY’ NG MGA SENATOR-JUDGE
NANAWAGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Lunes, Oktubre 26, sa lahat ng senator-judge na hayagang ipahayag ang kanilang pagiging neutral sa pulitika, at iginiit na ebidensya lamang ang dapat maging batayan ng kanilang magiging pasya sa impeachment trial laban sa sinumang opisyal ng gobyerno. Sa kaniyang Facebook post, binigyang-diin ni Cayetano na mahalagang pairalin ang pagiging patas sa lahat ng impeachment proceedings, lalo na sa mga kasong kinasasangkutan ng pinakamataas na opisyal ng bansa. “It’s essential that in all impeachment proceedings (especially of Presidents and Vice Presidents),…
Read MoreZALAMEDA: ‘GOOD FAITH’ DAPAT IPAGPALAGAY SA MGA OPISYAL SA ISYU NG UNPROGRAMMED FUNDS
DAPAT ipagpalagay na kumilos nang may mabuting hangarin ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa pagtaas ng unprogrammed funds sa pambansang badyet hangga’t walang patunay na may ginawa silang paglabag, ayon kay Supreme Court Associate Justice Rodil Zalameda. Sa panayam ng Judicial and Bar Council (JBC) nitong Lunes bilang bahagi ng proseso ng pagpili sa susunod na punong mahistrado, sinabi ni Zalameda na legal ang unprogrammed appropriations at dapat ituring na balido ang mga hakbang ng mga opisyal hangga’t hindi ito idinedeklarang labag sa batas ng korte. “When you…
Read MoreMAHIGIT 1,500 PULIS, IDE-DEPLOY SA MGA SEMENTERYO SA MAYNILA PARA SA UNDAS 2026
MAGTATALAGA ang Manila Police District (MPD) ng mahigit 1,500 tauhan sa mga sementeryo sa Maynila bilang bahagi ng paghahanda sa paggunita ng Undas 2026. Ayon kay MPD spokesperson Major Philipp Ines, sisimulan bukas ang paunang deployment ng mga pulis, ilang araw bago ang Undas. Ipapakalat ang mga tauhan sa apat na sementeryo sa lungsod, kabilang ang Manila North Cemetery (MNC), Manila South Cemetery, La Loma Cemetery at Chinese Cemetery. Sinabi ni Ines na hindi pa kabilang sa bilang ang mga force multiplier na tutulong sa MPD sa pagpapanatili ng kaayusan…
Read MoreIMBESTIGASYON SA SUNOG SA SORSOGON CITY PUBLIC MARKET NA IKINASAWI NG LIMA, PATULOY
PATULOY ang imbestigasyon ng mga arson investigator ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa sunog na tumupok sa Sorsogon City Public Market at ikinasawi ng limang katao noong Sabado ng gabi, Oktubre 24. Sa pahayag ng BFP, patuloy ang masusing pagsusuri at imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala sa ari-arian. Natagpuan ang limang nasawi sa loob ng isang palikuran sa palengke. Batay sa mga paunang ulat, posibleng na-trap ang mga biktima matapos umanong bumalik sa loob ng gusali upang…
Read MoreSUPORTA SA PRESS FREEDOM MULING PINATUNAYAN NG MALACAÑANG — CAYETANO
BINIGYANG-DIIN ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Lino Cayetano ang suporta ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa malayang pamamahayag, kasabay ng pagkilala sa kahalagahan ng mga boses ng mga kaalyado ng gobyerno at mga kritiko nito. Ayon kay Cayetano, malinaw ang direktiba ng Pangulo na pakinggan ang iba’t ibang pananaw dahil mahalaga ang mga ito sa isang demokratikong lipunan. “Ang malinaw para sa akin, dito sa amin sa PCO, malinaw ang utos ng Pangulo na napakahalaga ng boses ng mga kasamahan, kakampi, kritiko. Important ‘yun sa isang…
Read More