MAGSASAMPA ng magkakahiwalay na reklamo sa Professional Regulation Commission (PRC) ang grupo ng mga doktor at medical experts laban kay Dr. Anthony “Tony” Leachon kaugnay ng umano’y hindi etikal na mga pahayag nito laban sa kapwa medical professionals. Sa isang press conference, nagpahayag ng pagkabahala sina House Deputy Speaker Janette Garin, dating Department of Health (DOH) Undersecretary Dr. Kenneth Hartigan-Go, dating Research Institute for Tropical Medicine Director Dr. Socorro Lupisan, dating Food and Drug Administration (FDA) Director General Maria Lourdes Santiago, at dating Philippine Children’s Medical Center Executive Director Dr.…
Read MoreCategory: BALITA
‘INHUMANE’ COMMENTS SA 4 NASAWING PAF PILOTS PINALAGAN
KINONDENA ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang umano’y sarkastiko, hindi makatao at insensitive na mga komento sa social media hinggil sa pagkamatay ng apat na piloto ng Philippine Air Force (PAF) matapos magbanggaan sa himpapawid ang dalawang SF-260 trainer aircraft sa Batangas. Ayon kay Teodoro, ang ganitong mga komento ay pag-insulto sa sakripisyo ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na naglilingkod sa bansa sa kabila ng mga panganib na kaakibat ng kanilang tungkulin. Sa panayam sa media matapos ang pagbubukas ng 13th Association of Asia-Pacific…
Read MoreOMBUDSMAN SA DOJ: IREGULARIDAD SA PAG-ARESTO KAY LUSTRE BUSISIIN
NANINIWALA si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na dapat imbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang umano’y iregularidad sa proseso ng kasong cyber libel na naging dahilan ng pag-aresto sa beteranong mamamahayag na si Philip Lustre Jr. Ito ay dahil lumalabas na hindi umano natanggap ni Lustre ang mga dokumento kaugnay ng reklamo laban sa kanya bago inilabas ang warrant of arrest. Ayon kay Ombudsman Remulla, mali ang pag-isyu ng warrant nang hindi nalalaman ng respondent ang kasong isinampa laban sa kanya. Posible umanong may modus dito, kung saan maling…
Read MoreRIGODON: DIZON BALIK-DOTr, LOPEZ UUPONG DPWH CHIEF
BABALIK si Vince Dizon bilang kalihim ng Department of Transportation (DOTr), habang itatalaga naman si Giovanni “Banoy” Lopez bilang acting secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa ilalim ng bagong pagbabago sa Gabinete na layong pabilisin ang mga reporma at paghusayin ang paghahatid ng serbisyo publiko. “We are shifting gears to accelerate reform. Secretary Dizon goes to DOTr to fix the daily commute. Secretary Lopez goes to DPWH to make sure the reforms there last. Lahat ng ito, para lalong bumilis at gumaan ang serbisyo ng gobyerno…
Read MoreMAHIGPIT NA SEGURIDAD, TULONG SA MGA BIYAHERO PINATITIYAK NGAYONG UNDAS
MAS maraming pulis at K-9 units, sapat na masasakyan, at agarang tulong sa mga pasaherong mai-stranded ang ilan sa mga hakbang na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang matiyak ang ligtas at maayos na biyahe ng mga Pilipino ngayong Undas. Inatasan ni Pangulong Marcos si Executive Secretary Ralph G. Recto na tiyaking handa ang mga ahensya ng pamahalaan sa inaasahang pagdagsa ng milyun-milyong biyahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya upang dalawin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Alinsunod dito, inatasan ni Recto ang Department of Transportation (DOTr),…
Read MoreHamon ng abogado sa ilang senador PARTISIPASYON NG CHINA SA ILANG INDUSTRIYA SILIPIN
HINDI na kailangang magpaputok ng kahit isang bala ang China upang sakupin ang Pilipinas dahil napapasok na umano nito ang mahahalagang sektor ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng mga negosyo at pamumuhunan. Ito ang babala ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP), na hinimok ang mga senador na imbestigahan ang lumalawak na partisipasyon ng mga kumpanyang Chinese sa sektor ng enerhiya, telekomunikasyon, imprastraktura at iba pang mahahalagang industriya. Ayon kay Inton, sa halip na magtapang-tapangan lamang sa kanilang mga pahayag, dapat gamitin ng…
Read MoreMGA SENADOR HINIMOK TANGGIHAN VP POST KUNG MA-CONVICT SI VP SARA
IGINIIT ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na dapat tularan ng lahat ng senator-judges ang paninindigan ni Impeachment Court Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero na hindi tatanggapin ang posisyon bilang bise presidente sakaling ma-convict at matanggal sa puwesto si Vice President Sara Duterte. Ayon kay Cayetano, mahalagang hakbang ito upang maiwasan ang posibleng conflict of interest sa impeachment proceedings laban sa pangalawang pangulo. Bagama’t hindi awtomatikong disqualified ang mga senador na italaga bilang bise presidente, sinabi ni Cayetano na tama ang posisyon ni Escudero upang hindi magmukhang may personal…
Read MoreP2.75 TRILYONG PINSALA NG KORUPSYON, BABALA SA EKONOMIYA
NAGBABALA si dating Bangsamoro Transition Authority–Member of Parliament Jamel “James” D. Macaraya na maaaring magdulot ng matinding pinsala sa ekonomiya at tiwala ng publiko sa pamahalaan ang lumalalim na krisis pampulitika sa bansa. Sa kanyang pahayag noong Oktubre 23, 2026, binatikos ni Macaraya ang umano’y pamumulitika laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio at sa pamilya Duterte, gayundin ang sinasabi niyang piling pagpapatupad ng hustisya laban sa mga kalabang pulitikal. Kinuwestiyon din niya ang mga alegasyon ng korupsyon sa Kongreso at ang pamamahalang aniya’y nakasentro sa mga pangalan ng programa sa…
Read MoreKasabwat pala ng customer; PUMP ATTENDANT INARESTO SA ‘PANGUNGUPIT’ NG GASOLINA
INARESTO ang isang pump attendant matapos umanong makipagsabwatan sa customer upang makapagpakarga ng gasolina nang hindi nagbabayad sa isang gasolinahan sa Tanza, Cavite, Sabado ng gabi. Kinilala ang suspek sa alyas na Albert, na nahaharap sa kasong qualified theft. Batay sa ulat, nagtatrabaho ang suspek sa A’s Fuel sa Barangay Punta 2, Tanza, Cavite, kung saan napansin umano ng may-ari ng gasolinahan ang kahina-hinalang pag-uusap nito at ng isang customer na nagpakarga ng gasolina sa sasakyan. Matapos makapagpakarga, umalis umano ang customer nang hindi nagbabayad. Dahil dito, sinuri ng may-ari…
Read More