RIZAL – Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Cainta matapos maranasan ng mga residente ang malawakang pagbaha sa halos lahat ng pangunahing mga kalsada at lugar sa nasabing bayan. “Sinabihan ko ang Local Disaster and Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) at ang Sangguniang Bayan na agad na magpulong upang ihanda ang Declaration of a State of Calamity for the Municipality of Cainta,” ang pahayag ni Nieto. Inaasahan na anoman ang mapagpasyahan sa nasabing deklarasyon ay agad na ipatutupad at ihahatid ang kinakailangang mga tulong sa apektadong…
Read MoreCategory: BALITA
P1.4-M DROGA NASAMSAM SA 2 TULAK SA QUEZON
QUEZON – Arestado ang dalawang lalaki at nasamsam ang tinatayang P1.4 milyong halaga ng ilegal na droga sa isinagawang isang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Mauban sa lalawigan noong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Rico, 50, isang magsasaka at residente ng Brgy. 6, Lucban, at Yeyey, 47, laborer at residente ng Brgy. Cagsiay 1, Mauban. Ayon sa ulat ng Mauban Police, dakong alas-1:20 ng madaling araw nang isagawa ng Mauban Municipal Drug Enforcement Team (MDET) ang operasyon sa Sitio Malaking Aluhin, Barangay San Lorenzo. Sa nasabing…
Read MoreFISHING VESSEL LUMUBOG, 11 TRIPULANTE LIGTAS
BATANGAS – Isang bangkang pangisda ang lumubog bandang alas-3:00 ng madaling araw nitong Miyerkoles, humigit-kumulang 2.25 nautical miles ang layo mula sa baybayin ng Sitio Talim, Barangay Luyahan, sa bayan ng Lian sa lalawigan. Ayon sa ulat ng Coast Guard District Southern Tagalog, galing ang FV Unity World sa Navotas Fish Port at patungo sa Cuyo, Palawan upang kumuha ng mga isda nang hambalusin ito ng malalaking alon malapit sa Fortune Island sa Batangas. Nagdesisyon ang kapitan na abandonahin ang fishing vessel bandang alas-2:00 ng madaling araw. Ligtas naman ang…
Read MoreApela ni Goitia TRAHEDYA HUWAG GAMITIN BILANG SANDATA SA PULITIKA
KINONDENA ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng apat na kilalang civic organizations, ang isang blog kamakailan na pilit dinadawit si First Lady Liza Araneta Marcos sa pagkamatay ng negosyanteng si Juan Paolo Tantoco sa Estados Unidos. Sa isang panayam, tinawag ni Goitia ang naturang blog na “malisyoso, iresponsable, at walang pakundangan,” at iginiit na ang layunin nito ay pulitikal na paninira sa halip na makatulong sa paghahanap ng katotohanan. “May namatay. May naulilang pamilya. Sa halip na igalang ang lungkot ng mga naiwan, pinipilit pang isangkot ang isang…
Read More12 NA PATAY SA BAGYONG CRISING
UMABOT ng 12 indibidwal ang naiulat na nasawi habang pito ang sugatan sa pananalasa ng Bagyong Crising. Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), 5 sa mga nasawi ang naitala mula sa Calabarzon Region o PRO 4A, tatlo sa Negros Island Region at tig-1 sa MIMAROPA, Northern Mindanao, Bangsamoro Autonomous Region at National Capital Region. Sampu katao ay sinasabing namatay sa pagkalunod habang ang dalawa naman ay nabagsakan ng puno sa kanilang bahay. Ang datos ay patuloy pa ring dadaan sa beripikasyon ng NDRRMC, ayon sa PNP. Bukod sa…
Read MoreHabang marami pa nakalubog sa baha MAGPAPABONGGA SA SONA MAKAPAL MUKHA
(BERNARD TAGUINOD) SA gitna ng pinsalang iniwan ng Bagyong Crising at Habagat, nararapat lamang na makidalamhati ang gobyerno sa pamamagitan ng simpleng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Lunes, July 28. Ito ang iginiit ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña kahapon sa dalawang Kapulungan ng Kongreso at maging sa Office of the President lalo na’t nasa gitna pa ng paghihirap ang mga biktima ng bagyo at habagat. “This is not the time for pomp. This is the time for empathy, humility, and decisive…
Read MoreMarami pa ring tumitigil sa pag-aaral FREE COLLEGE LAW REREPASUHIN
DAHIL apat lang sa bawat sampung estudyante ang naka-enroll sa state universities and colleges (SUCs), pinarerepaso ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang Free Higher Education Law. Ayon sa mambabatas, layon ng pagrepaso ay alamin ang problema dahil sa kabila na libre na ang matrikula sa SUCs ay mataas pa rin ang dropout rate. “Free tuition was a landmark achievement, but the work is far from over. Nearly four out of 10 students in state universities and colleges are still dropping out. In some regions, the situation is even more…
Read MoreBILYONG PONDO SA FLOOD CONTROL PROJECTS BUBUSISIIN
(DANG SAMSON-GARCIA) PAGPAPALIWANAGIN ni Senador Panfilo Lacson ang mga ahensya ng gobyerno na tumanggap ng bilyung-bilyong pisong pondo para sa flood control projects ngayong 2025 at sa mga nakalipas na taon. Sinabi ni Lacson na sa pagtalakay sa pambansang budget para sa susunod na taon ay kanyang bubusisiin ang naging paggugol sa mga proyektong ito sa gitna na rin ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at iba pang parte ng bansa. Kabilang sa sisilipin ng senador ang P1.9 bilyon na ibinigay na pondo sa isang maliit na barangay sa Oriental…
Read MorePUBLIKO BINALAAN SA MGA SAKIT MULA SA BAHA
NANAWAGAN ang Department of Health (DOH) sa publiko na tiyaking malinis at ligtas sa kontaminasyon ang inuming tubig, lalo na ngayong panahon ng matinding ulan at pagbaha. Ayon sa DOH, posibleng marumihan ang tubig mula sa mga sirang water pipelines at sewer systems na nalubog sa baha—na maaaring magdulot ng mga sakit gaya ng cholera, diarrhea, at leptospirosis. Paalala ng kagawaran, pakuluan ang inuming tubig ng hindi bababa sa dalawang minuto, o gamitan ng chlorine tablets na bahagi ng emergency supply na ipinamahagi na sa mga evacuation center. Batay sa…
Read More