PAGLILINAW NG NSC, DND, AFP: EDCA SITES HINDI US MILITARY FACILITIES

AGAD nilinaw ng National Security Council (NSC) at Department of National Defense (DND) na hindi military facilities ng Estados Unidos ang mga EDCA sites kaya hindi ito target ng anomang retaliatory attack ng Iran. Ayon kay Defense Spokesman Arsenio Andolong, nananatiling nakapokus ang kasalukuyang hostilidad sa Gitnang Silangan at walang kredibleng direktang banta sa Pilipinas o sa mga pasilidad nito. Binigyang-diin niyang ang Pilipinas ay hindi bahagi ng naturang teatro ng digmaan. Dagdag pa niya, ang mga pag-atake ng Iran ay nakatuon sa mga pasilidad ng Estados Unidos sa mga…

Read More

LIBRENG CANCER SCREENING ISINUSULONG SA KAMARA

ISINUSULONG ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang panukalang Cancer Risk Screening and Awareness Act na magbibigay ng libreng screening para sa breast, cervical, colorectal at prostate cancers. Layunin ng House Bill No. 7942 na mapalakas ang early detection upang maiwasan ang cancer deaths at mabawasan ang gastusing medikal ng mga pamilya. Tinukoy ni Romualdez ang datos ng Philippine Statistics Authority na nagsasabing ikatlong pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino ang cancer. Sa ilalim ng panukala, magsasagawa ang Department of Health (DOH), katuwang ang mga LGU at health centers, ng…

Read More

PNP PUMALAG SA ‘VIGILANTE KILLINGS’ TAG SA MARCOS ADMIN

IGINIIT ng Philippine National Police (PNP) na walang naitalang “vigilante killings” sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Pinalagan ng PNP ang pahayag ni Atty. Nicholas Kaufman, lead counsel ni dating pangulong Rodrigo Duterte, na umano’y patuloy ang mga patayan sa kasalukuyang administrasyon. Kaugnay nito, inatasan ni PNP Chief Gen. Melencio Nartatez Jr. ang Director for Investigation na repasuhin ang lahat ng kaso ng pagpatay mula Hulyo 2022 hanggang sa kasalukuyan. Layunin ng hakbang na matukoy kung may mga hindi pa nalulutas na kaso at kung may mga…

Read More

OMBUDSMAN PINABILIS PAGGULONG NG BINAY, YAP-VILLA FLOOD CASE

PINABILIS na ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood-control projects na iniuugnay kay Makati City Mayor Nancy Binay, matapos magsumite ng mabibigat na sinumpaang salaysay si dating DPWH Usec. Roberto Bernardo. Ayon sa direktiba ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, inatasan ang General Investigation Bureau na pabilisin ang proseso dahil sa bigat at lawak ng mga alegasyon. Sa utos na ipinadaan kay GIB Director Ma. Jennifer Lacea, binigyang-diin ng Ombudsman ang pagkakatugma ng resulta ng Senate investigation at ng Independent Commission for Infrastructure (ICI). Kapwa…

Read More

SEN. MARK VILLAR NABABAHALA SA KALIGTASAN NG MGA OFW SA MIDDLE EAST

NAGPAHAYAG ng matinding pag-aalala si Sen. Mark Villar para sa kaligtasan at kapakanan ng mahigit 2.4 milyong overseas Filipino workers (OFWs) sa Middle East sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran. Binigyang-diin ng senador ang agarang tungkulin ng pamahalaan na tiyakin ang proteksyon at maayos na pagtukoy sa kalagayan ng lahat ng Pilipino sa rehiyon, lalo na sa harap ng mga ulat ng nasawing Pilipino. “Ang tungkulin natin ngayon ay tiyaking ligtas, protektado, at accounted for ang ating mga kababayan sa Middle East. Mas lalong…

Read More

SHORT-TERM SAFEGUARDS SA EPEKTO NG GULO SA MIDDLE EAST PINALALATAG

UMAPELA si Senador Risa Hontiveros sa Department of Energy (DOE) na maglatag ng agarang short-term safeguards upang maibsan ang posibleng epekto ng tumitinding tensyon sa Middle East sa suplay ng langis at gas ng bansa. Ayon kay Hontiveros, may malaking posibilidad na maapektuhan ang global oil market na maaaring magdulot ng pagnipis ng suplay at pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Binigyang-diin ng senadora ang pangangailangang palakasin ang energy security habang binubuo ang isang komprehensibo at pangmatagalang strategic plan. Nanawagan din siya ng malinaw at mabilis na mekanismo para sa…

Read More

Malakanyang sa mga negosyante GULO SA MIDDLE EAST ‘WAG SAMANTALAHIN

HINDI pa napapanahon ang pagtataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng krisis sa Gitnang Silangan. Ito ang diin ni Claire Castro, Undersecretary ng Presidential Communications Office (PCO) at Palace Press Officer. Ayon kay Castro, hindi ito ang tamang panahon para samantalahin ng mga negosyante ang gulo sa Middle East upang itaas ang presyo ng kanilang produkto. Inihayag din niyang inutusan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of Trade and Industry (DTI), upang tiyaking walang pang-aabuso. Sa kabilang dako,…

Read More

Sa gitna ng bakbakan sa Middle East 45 PH FLIGHTS KANSELADO, NA-DIVERTβ€” CAAP

UMABOT na sa 45 international flights ang nakansela at na-divert mula at patungo sa Pilipinas at Middle East kasunod ng tumitinding tensyon sa rehiyon. Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), 42 flights ang nakansela habang tatlo ang na-divert batay sa monitoring alas-9:00 ng umaga nitong Lunes, Marso 2. Halos doble ito sa naunang 23 flights na napaulat na naantala nitong Linggo, Marso 1. Karamihan sa mga kanselasyon ay naganap kahapon kung saan 30 flights ang hindi natuloy. Kabilang sa mga airline na nagkansela ng biyahe ang Cebu…

Read More

5 MIYEMBRO NG DRUG GROUP TIMBOG SA BUY-BUST

LAGLAG ang limang miyembro ng isang hinihinalang drug group, sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ilalim ng kanilang Case Operation Plan (COPLAN) “Molecules”, sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal. Ayon sa isinumiteng ulat sa tanggapan ni PDEA Director General, Undersecretary isagani Nerez, humigit-kumulang sa kalahating kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng kanyang mga tauhan at nadakip ang limang drug personalities. Pinangunahan ng PDEA Rizal Provincial Office ang nasabing anti-illegal drug operation katuwang ang PDEA Laguna at Batangas Provincial Offices, PDEA Seaport Interdiction…

Read More