MAGNA CARTA OF FILIPINO SEAFARERS PINASUSUSPINDE SA KORTE SUPREMA

KINALAMPAG ng mga marino sa Pilipinas ang Korte Suprema upang hilingin ang agarang aksyon sa kanilang petisyon para sa Temporary Restraining Order (TRO) laban sa pagpapatupad ng Magna Carta of Filipino Seafarers o Republic Act No. 12021. Kinukuwestiyon ng International Seafarers Action Center (ISAC) at Concerned Seafarers of the Philippines ang konstitusyonalidad ng pagkakapasa ng RA 12021, gayundin ang ilang probisyon nito na anila’y hindi pabor sa kapakanan ng mga marino. Ayon kay ISAC President Atty. Edwin Dela Cruz, hindi sapat na tawaging Magna Carta ang batas kung hindi naman…

Read More

“Surrender or face the music” JONVIC KAY BATO: TAMA NA ‘WENTO

BINIGYAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ng panibagong babala si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na sumuko nang mapayapa kasunod ng ultimatum ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng pag-aresto sa senador. “We’ve been talking for a year. Enough talk. Surrender or face the music,” pahayag ni Remulla sa kanyang babala kay Dela Rosa. Sinabi rin ng kalihim na gagawin ng mga awtoridad ang kinakailangang hakbang upang madakip ang senador sakaling hindi ito sumuko sa itinakdang panahon. “Then we pursue him with all…

Read More

PAGGASTA SA UNPROGRAMMED APPROPRIATIONS MULA 2022 PINABUBUSISI

HINIMOK ng People’s Budget Coalition ang Senado na busisiin ang paggamit ng gobyerno sa unprogrammed appropriations sa ilalim ng pambansang badyet mula 2022 hanggang 2025, bilang bahagi ng pagsusuri sa panukalang 2027 national budget. Ang unprogrammed appropriations ay bahagi ng pambansang badyet na nakalaan sa mga programa at proyektong nakadepende ang pagpapatupad sa pagkakaroon ng karagdagang mapagkukunan ng pondo. Ayon kay People’s Budget Coalition Co-convenor Zyza Nadine Suzara, wala umanong sapat na impormasyong inilalabas tungkol sa kung paano ginamit ang unprogrammed appropriations mula 2022 hanggang 2025. Kabilang dito ang P499…

Read More

VACC, NANAWAGAN SA KORTE SUPREMA NA SIGURADUHIN PAG-UPLOAD NG E-WARRANT SA MGA KORTE

NANAWAGAN ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Korte Suprema na tiyakin ang maayos at napapanahong pag-upload ng mga electronic warrant o e-warrant sa mga korte sa buong bansa upang mapabilis ang pagpapatupad sa mga ito ng mga law enforcement agency. Inihayag ng VACC ang panawagan kasabay ng pagsasampa ng reklamong perjury laban kay Judge Alvin Landicho ng Municipal Trial Court sa Santa Rosa, Laguna. Ayon sa complainant na si Monalie Dizon, anim na taon na umanong hindi naia-upload ang e-warrant na hinihintay ng mga awtoridad upang maipatupad ito.…

Read More

DHSUD, PINAGPAPALIWANAG SA 4 NA TAONG PAGKABINBIN NG MGA SULIRANIN SA PABAHAY NG MARALITANG LUNGSOD

QUEZON CITY — Tinatayang 500 lider at kasapi ng mga organisasyong kabilang sa Urban Poor Action Committee (UPAC), na kumakatawan sa mga komunidad sa Metro Manila, Rizal at Bulacan, ang nagdaos ng piket sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) upang igiit ang pagharap ng kalihim at kongkretong aksyon sa matagal nang mga suliranin sa lupa at pabahay. Bilang bahagi ng World Habitat Month at National Shelter Month, hiniling ng UPAC sa DHSUD na tugunan ang mga problemang hindi pa nareresolba sa mga komunidad, tuparin ang mga pangako…

Read More

RIDER, ANGKAS PATAY SA BANGGAAN SA TANZA, CAVITE

NASAWI ang driver ng isang motorsiklo at angkas nitong babae matapos makasalpukan ang isang Suzuki Ertiga sa kahabaan ng Antero Soriano Highway sa Barangay Lambingan, Tanza, Cavite, madaling araw noong Linggo. Kinilala ang mga nasawi sa mga alyas na Errol, 37, na nagmamaneho ng Honda motorcycle na may plakang 156USK, at Rose, angkas nito. Isinugod ang dalawa sa Tanza Family General Hospital and Pharmacy ngunit kapwa idineklarang dead on arrival dahil sa matinding mga sugat na tinamo sa katawan. Hawak naman ng Tanza Municipal Police Station ang driver ng Suzuki…

Read More

BOC-MICP NAKALIKOM NG P18.38M SA PUBLIC AUCTION

NADAGDAGAN ng P18.38 milyon ang pondo ng pamahalaan matapos matagumpay na nasubasta ng Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP) sa public auction ang 21 na 40-foot container ng woodfree paper. Sa pangunguna ni District Collector Atty. Felipe Geoffrey K. De Vera IV, isinagawa ang auction bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Port na tiyaking napakikinabangan ang mga kargamentong nasa pangangalaga ng Customs. Sa halip na manatiling nakaimbak, ang mga ito ay na-convert sa karagdagang pondo na maaaring magamit para sa mga programa at serbisyong pampubliko. Binigyang-diin ni Commissioner…

Read More

3 PINOY HINARANG SA DAVAO AIRPORT SA HINDI TUGMANG TRAVEL PLANS

HINARANG ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong lalaking Pilipino na umano’y ni-recruit para magtrabaho bilang mga sundalo o guwardiya sa hangganan sa Silangang Europa matapos mabuking ang umano’y paggamit nila sa paligsahan sa Muay Thai bilang dahilan sa paglalakbay palabas ng bansa. Ayon sa BI, natuklasan ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ang mga hindi pagkakatugma sa idineklarang layunin ng paglalakbay ng tatlo bago ang nakatakda nilang pag-alis sa Davao International Airport. Ang mga lalaki, na kinilala sa mga alyas na “Johnny,” 25; “Berting,” 51; at “Tappy,”…

Read More

HULING ARAW NG PAGLILINIS NG MGA PUNTOD SA MANILA NORTH CEMETERY, DINAGSA

DUMAGSA ang mga tao sa Manila North Cemetery upang habulin ang huling araw ng paglilinis, pagpipintura at pagsasaayos ng mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay bago ang paggunita ng Undas. Itinakda ng pamunuan ng sementeryo ang Oktubre 27, 2026, bilang huling araw na pinapayagan ang paglilinis at pagkukumpuni ng mga nitso at mausoleo. Kaugnay nito, muling nagpaalala si Manila North Cemetery Director Dandan Tan na hindi na palalawigin ang itinakdang deadline. Dahil dito, hinimok niya ang publiko na samantalahin ang natitirang oras dahil hindi na papayagan ang…

Read More