SA ika-17 araw ng impeachment trial, halos sumuko ang ilang senator-judge sa pagtatanong kay dating Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta dahil sa umano’y paulit-ulit at tila “template” na mga sagot nito hinggil sa pagdidisburse ng P500 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP). Sumentro ang pagtatanong ng ilang senador sa pagbibigay ni Acosta ng buong confidential funds kay Col. Raymund Dante Lachica, na noon ay security officer ni Vice President Sara Duterte. Binusisi nina Senator Judges Kiko Pangilinan, Erwin Tulfo, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Juan Miguel…
Read MoreCategory: BALITA
OVP MAAARING MAG-TREE PLANTING KAHIT WALANG CONFI FUNDS—PROSECUTION
BINIGYANG-DIIN ng House prosecution panel na maaaring magsagawa ng mga aktibidad tulad ng tree planting ang Office of the Vice President (OVP) kahit walang ginagamit o inilaang confidential funds, ayon kay Private Prosecutor Amando Ligutan sa ika-17 araw ng impeachment trial. Ginawa ni Ligutan ang pahayag habang inihaharap ang screenshot ng isang social media post noong Agosto 13, 2026 na nagpapakita sa paglahok ni Vice President Sara Duterte sa tree-planting activity sa Nunungan, Lanao del Norte, sa ilalim ng PagbaBAGo: A Million Trees Campaign ng OVP. Tinanong ni Ligutan ang…
Read MoreMandatory transparent bag sa ilang Cavite schools CAMPUS SECURITY HINIGPITAN KASUNOD NG ZAMBO SHOOTING
PINAIIGTING ng mga paaralan at lokal na pamahalaan ang mga hakbang sa campus security kasunod ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU) na ikinasawi ng dalawang estudyante. Sa Zamboanga City, nakipagpulong ang Department of Education (DepEd) sa mga school heads upang palakasin ang security protocols habang patuloy na tinututukan ang mental well-being ng mga mag-aaral at school personnel. Binigyang-diin ni Eileen Pearl Aca-ac, principal ng Lumbangan Integrated School, ang pangangailangang maging mas mapagmatyag ang mga paaralan upang agad na matugunan maging ang maliliit na problema bago pa lumala. Iginiit…
Read MoreSEPT. 14 DEKLARADONG SPECIAL NON-WORKING DAY SA BARMM
IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Setyembre 14, 2026 bilang special non-working day sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makilahok sa kauna-unahang regular parliamentary elections ng rehiyon. Nakasaad sa Proclamation No. 1395 na mahalagang bigyan ang mga taga-BARMM ng sapat na panahon upang aktibong makilahok sa halalan at maisagawa ang kanilang karapatang bumoto. “In order to give the people of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao the opportunity to actively and fully participate in the election and…
Read More6 MOST WANTED HULI SA PNP SACLEO, 155 BARIL NASAMSAM
ANIM na itinuturing na most wanted criminals sa Ilocos Region ang nadakip bukod pa sa 155 na mga baril ang nasamsam sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation ng PNP-Police Regional Office 1 (PRO 1). Sa ibinahaging report ni Brig. Gen. Jovencio Badua Jr., PRO 1 regional director, umaabot sa 155 iba’t ibang uri ng baril ang nasamsam sa tatlong araw na anti-criminality and law enforcement operation sa buong rehiyon kabilang dito ang apat na baril na pakay ng target operations. Nabatid na bahagi ito ng Simultaneous Anti-Criminality and…
Read MoreMAAYOS NA PAGPAPALAKI SA MGA ANAK, MAHIGPIT NA GUN CONTROL APELA NI SEN. ERWIN TULFO
NANAWAGAN si Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development Chairman Erwin Tulfo sa mga magulang at guardians na higit na bantayan at kausapin ang kanilang mga anak sa halip na umasa lamang sa teknolohiya sa pag-alam sa kanilang kalagayan. Ang pahayag ni Tulfo ay kasunod ng pagkakarekober ng baril sa bag ng isang Grade 9 student sa Pinamungajan, Cebu, ilang araw matapos ang shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU) na ikinasawi ng dalawang estudyante at ikinasugat ng siyam na iba pa. Ayon sa mga awtoridad, pagmamay-ari…
Read MorePROJECT ARUGA NG DSWD, TULONG SA MGA INA NG BATANG MAY AUTISM
NAKAHANAP ng tulong si Rossini Erica Selleen Padua sa Project Aruga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang inaalagaan ang kanyang anak na may level 2 autism. Ayon kay Rossini, ang pagpapalaki sa batang may autism ay nangangailangan ng espesyal na pangangalaga, pagmamahal at atensyon, bukod sa malaking gastusing kaakibat ng medical needs at therapy sessions. Inamin niyang hindi madali ang araw-araw na pag-aalaga, ngunit patuloy siyang nagsisikap dahil sa pagmamahal sa kanyang anak. Nang matanggap niya ang tulong mula sa Project Aruga, hindi lamang ito itinuring ni…
Read MoreDA, PINAIGTING PAGTUGIS SA PEKENG FARM INPUTS
PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang kampanya laban sa mga peke, hindi rehistrado, adulterated at ilegal na ginawang agricultural inputs sa buong bansa. Kasunod ito ng direktiba ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) na higpitan ang market surveillance at pagpapatupad ng mga regulasyon laban sa mga ilegal na farm inputs. Ayon sa DA, isinagawa kamakailan ng FPA, Police Provincial Office at mga tauhan ng Talavera at Rizal Police ang operasyon sa isang pasilidad kung saan natagpuan ang daan-daang sako ng fertilizer…
Read MoreAFP TINIYAK NA HINDI AABANDONAHIN ANG BRP SIERRA MADRE
MARIING nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nito pababayaan o iiwan ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, kasunod ng pahayag ng Chinese Embassy sa Maynila na may umano’y kasunduan para alisin ng Pilipinas ang barko sa naturang lugar. Ayon kay AFP spokesperson for West Philippine Sea Ret. Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, walang umiiral na kasunduan na nag-uutos sa Pilipinas na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. “The AFP rejects the recent statement from the Chinese Embassy in Manila attempting to rewrite history…
Read More