NANINIWALA ang MalacaΓ±ang na maaaring ginagamit lamang ang isyu ng umano’y “maleta” at ang paglutang ng 18 dating Marines upang patalsikin sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. “Malamang!” ito ang tugon ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nang tanungin kung may destabilisasyon sa likod ng alegasyon na may naihatid umanong “kickbacks” sa Pangulo at iba pang opisyal. Gayunman, inamin ni Castro na wala silang partikular na impormasyon hinggil dito. “Pero wala po tayong partikular na impormasyon patungkol diyan. Kung anong nais nila, hindi…
Read MoreCategory: BALITA
REORGANISASYON NG DPWH ISINUSULONG SA SENADO
ISINUSULONG ni Senate President Vicente Sotto III ang panukala upang ire-organize ang Department of Public Works and Highways (DPWH). Inihain ni Sotto ang Senate Bill No. 1835 o An Act Reorganizing the DPWH and Rationalizing the Powers and Functions of the Central, Regional, and District Offices. Layon nitong palakasin ang transparency, efficiency, at accountability sa public infrastructure governance. Ipinaliwanag ni Sotto na mahalaga ang public infrastructure sa nation-building dahil nakapagbibigay ito ng employment at nasosolusyunan ang mga pangangailangan tulad ng ligtas na kalsada, mga tulay, flood control systems at iba…
Read MoreProvincial rate ibasura na PANTAY NA SAHOD SA PANTAY NA TRABAHO SA BUONG BANSA
Kasama ni PolPHIL Gen. Sec. Ric Serrano si dating AFP Brigadier General at PolPHIL chairman emeritus Danilo Lim. Sa ibabang larawan si Elmer Argano, PolPHIL National President. NAGPAHAYAG ang People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ng walang pasubaling suporta sa mga panukalang batas na mag-aalis sa provincial wage rate system, magwawakas sa Regional Wage Boards, at magtatatag ng iisang pambansang sahod para sa lahat ng manggagawang Pilipino. Pinapurihan ni POLPHIL Secretary General Ric Serrano si Kamanggagawa Rep. Eli San Fernando sa pangunguna sa makasaysayang hakbang tungo sa hustisyang pangsahod, katuwang…
Read MoreMakalipas ang siyam na taon MARAWI SIEGE: 300 PA RIN ANG MISSING β ICRC
SIYAM na taon matapos ang 2017 Marawi siege, nasa 300 katao pa rin ang hindi natatagpuan, ayon sa International Committee of the Red Cross (ICRC). Patuloy umanong hinahanap ng kanilang mga pamilya ang mga nawawala na pinaniniwalaang nasawi sa armadong hidwaan sa Marawi. Nitong nakaraang taon, naglabas ng fatwa ang BARMM Darul Ifta na nagpapahintulot sa paghukay ng mga labi sa Maqbara cemetery kasunod ng konsultasyon sa mga ulama. Ayon kay Aleem Ansary Abdulmalik, chairman ng Ulama Council ng Lanao del Sur, layunin ng paghuhukay na makilala ang mga labi…
Read MoreHALOS P4.8-M NATANGAY SA PAMILYANG NILOOBAN, GINAPOS NG 6 ARMADO
TINUTUGIS ng pulisya ang anim na lalaki na sakay ng Toyota Fortuner matapos pasukin at looban ang isang bahay sa subdivision sa Imus kamakalawa ng madaling araw. Ayon sa biktimang si alyas “Marie,” 38, real estate sales officer at residente ng Legian 1 Subdivision, Brgy. Carsadang Bago, dakong alas-3:10 ng umaga nang sirain ng mga suspek ang padlock ng gate at pasukin ang kanilang bahay. IginaΒpos umano ang biktima, ang kanyang asawa at anak gamit ang tali at tinakpan ng adhesive tape ang kanilang mga bibig bago tinangay ang tinatayang…
Read More18K ESTUDYANTENG BULAKENYO TUMANGGAP NG EDUCATIONAL AID
AABOT sa 18,000 estudyante sa Bulacan ang regular na tumatanggap ng educational assistance sa ilalim ng “Tulong Pang-Edukasyon para sa Bulakenyo” scholarship program ng Pamahalaang Panlalawigan. Pinangunahan ni Gov. Daniel Fernando kasama si Vice Gov. Alexis Castro ang Scholarship Grant Payment para sa 1,900 benepisyaryo sa ginanap na general assembly sa Bulacan Capitol Gymnasium. Muling humarap sa publiko si Fernando, at pinasinungalingan ang kumalat sa social media na umano’y nagtatago siya dahil sa insidente ng pananakit kaugnay ng sinasabing road rage. Ang tulong ay P3,000 para sa mga naka-enroll sa…
Read MoreMAG-AMA BINARIL NG EX-KAGAWAD; 6-ANYOS PATAY
PATAY ang isang 6-anyos na bata matapos pagbabarilin ng dating barangay kagawad ang mag-ama sa Silang kamakalawa ng gabi. Isinugod pa sa Tagaytay Medical Center ang mag-amang sina alyas “Sab,” 35, caretaker, at anak nitong si alyas “Ruel,” 6, kapwa residente ng Brgy. Pasong Lanka, ngunit binawian ng buhay ang bata dahil sa tama ng bala sa ulo. Tinutugis ngayon ang suspek na si alyas “Elpedio,” 68, residente ng Brgy. Ulat at dating barangay kagawad sa ibang barangay. Sa ulat ng Silang Municipal Police Station, dakong alas-8:00 ng gabi nang…
Read MoreCHINA WARSHIP BUMUNTOT SA PH-US-JAPAN DRILLS SA WPS
KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines na may namataang warship ng China na bumubuntot sa isinagawang Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) ng Pilipinas, United States at Japan sa West Philippine Sea. Ayon kay AFP Public Information Office chief Col. Xerxes Trinidad, minonitor nila ang presensya ng PLA Navy vessel na may bow number 174 sa paligid ng exercise area. Isinagawa ang apat na araw na joint drills mula Pebrero 23 hanggang 26 at ito ang unang pagkakataon na umabot sa katubigan ng hilagang Batanes ang MMCA. Sinabi ng AFP…
Read More’18 EX-SUNDALO’ SINISILIP NG NBI AT OMBUDSMAN
ISASAILALIM sa masusing imbestigasyon ng National Bureau of Investigation at ng Office of the Ombudsman ang rebelasyon ng 18 nagpakilalang dating sundalo na umano’y tauhan ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago Matibag na iniimbestigahan na nila ang grupo matapos ang press conference kung saan nagbunyag ang mga ito ng seryosong akusasyon laban sa ilang opisyal at personalidad. Ayon kay Matibag, kailangang busisiin ang kredibilidad ng mga nagpakilalang ex-soldiers at alamin ang kanilang background upang matukoy ang bigat ng kanilang testimonya. “May epekto…
Read More