QUIMBO PINURI MARIKINA LGU SA PAGHAHANDA SA BAGYONG PEPITO

PINURI ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang paghahanda ng lokal na pamahalaan sa pagdating ng Bagyong Pepito. Sa kanyang Facebook Live, sinabi ni Quimbo na nag-ikot siya sa mga paaralan at evacuation center na inihanda ng lokal na pamahalaan para tingnan ang kahandaan nito. “Sa mga lilikas sa evacuation centers, na-check na po natin ang mga schools, napakalinis po,” wika ni Quimbo. “Sana po, kung paano po natin nadatnan ang evacuation centers sa ating pagdating, sana po ganun din kalinis sa ating pag-uwi,” dagdag pa niya. Nag-ikot din…

Read More

MOVE IT, GRAB INIREKLAMO SA PAGTAAS NG PAMASAHE, PAGKANSELA NG BOOKING

HABANG papalapit ang Pasko, pumapalag ang mga commuter sa biglaan umanong pagtaas ng pamasahe ng Grab at Move It kahit hindi rush o peak hours. “Dati, wala pang isandaan ang binabayaran ko sa Move It mula sa work hanggang office. Pero ngayon, naging P140 kahit maaga ako umaalis sa bahay,” wika ng isang netizen. “Bukod sa mahirap na mag-book sa Grab, sobrang taas na rin ng pamasahe nila. Kahit hindi peak hours, mahal pa rin ang kanilang singil,” dagdag naman ng isa pa. Bukod sa nagmahal na pamasahe, napansin din…

Read More

PAGSUSUMITE NG GUN BAN EXEMPTION APPLICATION SIMULA NA

PINASIMULAN ngayong Lunes ng Commission on Election ang paghahain ng aplikasyon para sa gun ban exemption kaugnay sa gaganaping May 2025 Midterm Election. Ayon sa COMELEC, lahat ng exempted sa gun ban ay kailangan mag-apply para mabigyan ng certificate of authority na gagamitin upang payagan ang isang awtorisadong indibidwal na magdala ng baril sa panahon ng eleksyon na magsisimula sa Enero 12 hanggang Mayo 28, 2025. Nilinaw naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang mga awtomatikong exempted na sa gun ban ay hindi na kailangang mag-apply pa, katulad ng…

Read More

4 DAM BINUKSAN, 75K KATAO NASA 566 EVACUATION SITES

NAPANATILI ng Super Typhoon Pepito ang lakas nito at posibleng makapinsala at maging banta sa buhay habang nagbabadyang manalasa sa hilagang bahagi ng Luzon bago tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility. Kahapon ay naglabas ng heavy rainfall warning ang PAGASA state weather bureau, para sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa bagyong Pepito matapos mag-landfall sa Quezon. Bilang paghahanda sa posibleng malawakang pagbaha, binuksan ang gate ng ilang dam sa Luzon nitong Linggo ng umaga upang magpakawala ng tubig bago pa magbuhos ng malakas na pag-ulan si Pepito (international…

Read More

HALOS 5K KATAO STRANDED KAY ‘PEPITO’

UMAABOT sa 4,642 katao ang stranded sa mga pantalan dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng Bagyong Pepito, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG). Mga truck driver, pahinante at mga pasahero ang nananatiling nakaantabay para sa kanilang mga biyahe. Samantala, 1,897 rolling cargoes, 31 vessels at 22 motorbanca rin ang stranded sa mga pantalan. Bukod pa ito sa 256 na barko at 208 na motor banca na pansamantalang nakikisilong sa ibang pantalan dahil din sa bagyo. Ang mga naturang pantalan na apektado ay mula sa Bicol Region na may…

Read More

Local manufacturers nagpasaklolo kay Rep. Tulfo PAGPASOK NG CHINA-MADE PRODUCTS SISILIPIN SA KAMARA

ISASALANG sa pagdinig ngayong umaga sa Kongreso ang reklamong inilapit ng mga local appliance manufacturers kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at ACT-CIS party-list laban sa mga produktong galing China. Ayon kay Rep. Tulfo, inimbitahan ang iba’t ibang local appliance manufacturers ng Pilipinas sa pagdinig ngayong umaga ng House committee on Trade and Industry dahil sa kanilang sumbong noong nakaraang buwan na pinapatay ng mga produktong galing China ang mga produkto ng Pilipinas. “Halos 300,000 na manggagawang Pinoy ang mawawalan ng trabaho kung magsasara ang mga factory ng mga…

Read More

SEAL OF GOOD GOVERNANCE NAKOPO NG MARIKINA SA IKALAWANG SUNOD NA TAON

NATANGGAP ng Marikina City government ang 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG), ang ikalawang sunod na taon na nakuha ng siyudad ang prestihiyosong pagkilala sa pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro. Kabilang ang Marikina City sa 14 na lokal na pamahalaan ng National Capital Region (NCR) na nakatanggap ng SGLG, ayon sa listahang inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Nagpaabot ng pagbati ang Mayors for Good Governance (M4GG) kay Teodoro at iba pang mayor na kabilang sa grupo na nakatanggap ng SGLG. “Congratulations sa 102 nating…

Read More

HOUSE NAKAHANDANG TULUNGAN MGA DISTRITO – ROMUALDEZ

NAKAHANDANG maglabas muli ng pondo ang House of Representatives para sa mga lugar o distrito na nasasakupan ng mga miyembro nito na tinamaan ng Bagyong Pepito. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, “Inaantay lang namin ang report ng aming mga miyembro at kung magkano ang pinsala sa kani-kanilang mga lugar para makapagpalabas ng pondo para sa mga biktima ng dumaang bagyo.” “Of course yung pondo na ibibigay natin ay para doon sa pagkukumpuni ng mga nasirang bahay at siyempre yung para sa pangkain ng mga pamilya dahil maaaring nawalan sila…

Read More

TABANG BIKOL, TINDOG ORAGON RELIEF CARAVAN INILUNSAD SA KAMARA

INILUNSAD ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., katuwang ang Kamara de Representantes sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Social Welfare Sec. Rex Gatchalian, ang Tabang Bikol, Tindog Oragon relief initiative kung saan halos P750 milyong halaga ng financial assistance at 24 truck na puno ng relief goods ang ipamimigay sa mahigit 150,000 benepisyaryo sa Bicol region na sinalanta ng magkakasunod na bagyo, at ang huli ay ang super typhoon Pepito. Ang programa kung saan si Speaker Romualdez ang pangunahing tagapagtaguyod, ay naglalayong suportahan ang mga nasalantang komunidad…

Read More