PISONG TAAS-PASAHE IGINIIT NG TRANSPORT GROUPS

IGINIIT ng mga grupo ng transportasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aprubahan ang karagdagang ₱1 provisional na dagdag sa pamasahe para sa unang apat na kilometro ng biyahe sa mga pampasaherong jeep. Layunin ng panawagang ito na maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, piyesa, at iba pang gastusin sa maintenance. Ayon kay Ramon Guevarra, Pangulo ng Jaen Nueva Ecija Transport Corporation, kinakailangan na ang dagdag-pamasahe dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga piyesa, baterya, gulong, at iba pang kagamitan…

Read More

7 MAGKAKAPAMILYA PATAY SA NABUWAL NA PUNO

NASAWI ang pitong magkakapamilya matapos mabagsakan ng nabuwal na puno ng buli ang kanilang bahay sa Brgy. Cawayanin, Pitogo, Quezon nitong Linggo ng umaga. Batay sa inisyal na ulat ng Pitogo Police, kabilang sa mga nasawi ang dalawang bata — isang 11-anyos na lalaki at isang limang buwang sanggol na lalaki — pati na rin ang kanilang mga magulang na kapwa 35-anyos at ang kanilang 66-anyos na lolo. Nangyari ang trahedya dakong alas-5:30 ng umaga habang mahimbing pang natutulog ang pamilya. Bigla umanong bumagsak ang puno ng buli na nakatanim…

Read More

LIBONG PAMILYA SA QUEZON MAAGANG INILIKAS VS ‘RAMIL’

MAHIGIT 2,467 katao o 804 pamilya ang paunang inilikas sa lalawigan ng Quezon habang patuloy na nagbabantang tumama ang Tropical Storm Ramil (international name: Fengshen) sa bahagi ng Calabarzon. Ayon kay Reyan Derrick Marquez, tagapagsalita ng Office of the Civil Defense (OCD) Region 4-A, ang mga inilikas ay kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation centers sa iba’t ibang bayan ng Quezon. Sinabi naman ni Melchor Avenilla Jr., hepe ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), na nagsagawa ng preemptive evacuation sa mga bayan ng Polillo Island bilang paghahanda…

Read More

WASTE-TO-ENERGY PROJECT ISINUSULONG SA BULACAN

ISINUSULONG ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang pagtatayo ng Waste-to-Energy facility na siyang nakikitang isa sa pangunahing makatutulong at solusyon upang maibsan ang problema sa pagbaha. Sa ginanap na Bulacan Environment Summit nitong Biyernes, Oktubre 17 sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, detalyadong inilatag ang mga agaran at pangmatagalang hakbangin para sa seryosong paglilinis ng kapaligiran at sistematikong pagkolekta ng basura na siyang magbabawas sa suliranin sa pagbaha sa lalawigan. Ito ay pinangunahan nina Governor Daniel Fernando, Vice Governor Alex Castro kasama si Department of Environment and Natural Resources (DENR)…

Read More

LIVE-IN PARTNER NG EX-GF, TINODAS NG BARBERO

CAVITE – Pinatay sa saksak ang manager ng isang kumpanya ng dating boyfriend ng live-in partner nito, sa kanilang bahay sa bayan ng Alfonso sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Poblete Memorial Hospital ang biktimang si alyas “Abert”, 33, ng Brgy. Pajo, Alfonso Cavite dahil sa tama ng mga saksak sa katawan. Hawak na ng pulisya ang suspek na si alyas “Hospicio”, 28, isang barbero, residente ng Brgy. Poblacion 2, Alfonso, Cavite. Ayon sa ulat, pinuntahan ng nakainom na suspek ang kanyang ex-girlfriend sa…

Read More

ADJUSTED MALL HOURS SA NCR EPEKTIBO SA NOV. 17 – MMDA

INANUNSYO ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes na ipatutupad na simula Nobyembre 17 ang adjusted mall hours sa buong National Capital Region (NCR). Ayon kay Artes, magiging alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi ang bagong oras ng operasyon ng mga mall. Kaugnay nito, tuwing weekend lamang papayagan ang malakihang sale upang maiwasan ang mabigat na trapiko sa mga pangunahing lansangan. Nilinaw ng MMDA na exempted sa adjusted hours ang mga restaurants at groceries na papayagang magbukas nang mas maaga. Samantala, papayagan naman ang delivery ng mga…

Read More

LCSP TIWALANG IPAPRAYORIDAD NG BAGONG LTFRB CHIEF KAPAKANAN NG COMMUTERS

NASA larawan sina (L-R) Atty. Ariel Inton, Atty. Tyronne Alvarez , Chairman Vigor Mendoza, Atty. Noel Valerio at Atty. Albert Sadili. KUMPYANSA ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na nasa mabuting kamay ang kapakanan ng mga commuter sa bansa sa ilalim ng pamumuno ng bagong talagang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza II. Ayon kay Atty. Ariel Inton, presidente ng LCSP, ito ang malinaw na mensaheng nakuha niya sa pakikipagpulong kay Mendoza kamakailan. Aniya, tiniyak mismo ng bagong chairman na ipagpapatuloy at higit pang…

Read More

INFRASTRUCTURE AUDIT AT INTENSIFIED EARTHQUAKE DRILL INIUTOS NI SEC TEODORO

IPINAG-UTOS ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chair at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa Office of Civil Defense (OCD) at lahat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils (RDRRMCs) na magsagawa ng regular preparedness drills, infrastructure audits, at retrofitting measures bilang paghahanda sa mga kalamidad, lalo na sa lindol. Batay sa Memorandum No. 279 na may petsang Oktubre 15, 2025, inatasan ni Teodoro ang lahat ng Local Government Units (LGUs) na paigtingin ang kanilang earthquake risk reduction measures at tiyaking tuloy-tuloy ang serbisyo publiko kahit…

Read More

PBBM: MAGING HANDA SA SAKUNA, UMIWAS SA FAKE NEWS

BINALAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na huwag balewalain ang paghahanda sa oras ng sakuna at kalamidad. Sa kanyang vlog na “Handa sa Sakuna,” sinabi ng Pangulo na dapat may plano ang bawat pamilya — alam kung saan pupunta, saan magtatagpo, at ano ang gagawin kapag may lindol o bagyo. Ipinaalala rin niya ang kahalagahan ng go bag na may lamang pagkain, tubig, gamot, flashlight, dokumento, at emergency cash. “‘Pag kailangan tumakbo, kukunin na lang ninyo — handa na lahat,” aniya. Binigyang-diin ni Marcos ang tamang impormasyon at…

Read More