PAGLOBO NG NEW REGISTRANTS INIIMBESTIGAHAN NG COMELEC

NILINAW ni Commission on Election Chairman George Erwin Garcia na noon pang Oktubre ipinag-utos niya ang imbestigasyon hinggil sa umano’y iregular na pagtaas sa bilang ng mga bagong botante. Ayon kay Garcia, nagsasagawa ng pagsisiyasat ang poll body sa pamamagitan ng isang itinatag na task force kaugnay sa nasabing isyu. Isa umano sa nakikitang dahilan sa paglobo ng new registrants sa ilang mga lugar ay ang inisyung barangay certification of residency. Ginawa ni Garcia ang naturang pahayag matapos sabihin ni Cagayan de Oro First District Representative Lord Suan na may…

Read More

Niloloko House quadcom? SHOW CAUSE ORDER SA ABOGADO NI DUTERTE

DAHIL may pakiramdam na niloloko na lamang umano ang Quad Committee, inisyuhan ng show cause order ang abogado ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Martin Delgra III. Sa mosyon ng isa sa chair ng komite na si Rep. Joseph Stephen Paduano, iginiit nito na isyuhan ng show cause order si Delgra para pagpaliwanagin dahil sa unang sulat nito sa komite noong October 22, na nangako ito na dadalo ang kanyang kliyente pagkatapos ng Undas. Gayunpaman, sa ikalawang sulat ni Delgra…

Read More

Gamit ang kalamidad – farmers BBM ADMIN LALONG BABAON SA RICE IMPORTATION

NANGANGAMBA ang isang grupo ng mga magsasaka na posibleng gamitin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga nagdaang bagyo tulad ni severe tropical storm Kristine para pahabain pa ang pang-angkat ng bigas sa bansa. Base sa report ng Department of Agriculture (DA), P4.66 billion ang halaga ng palay na nasira dahil sa bagyong Kristine kaya hindi isinasantabi ng grupo ni Amihan spokesperson Cathy Estavillo na posibleng dagdagan ang aangkating bigas ng gobyerno. Resulta aniya ito sa patuloy na pagbabalewala ni Marcos sa panawagan ng mga magsasaka na…

Read More

Sa pagmamatigas sa fund transfer SC BINASTOS NI RECTO, PHILHEALTH

(CHRISTIAN DALE) INAKUSAHAN ng isang health reform advocate si Finance Sec. Ralph Recto at maging ang PhilHealth Board na binabastos ang Supreme Court kaugnay sa tila pagsuway sa inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) sa paglilipat ng sobrang pondo ng ahensya pabalik sa National Treasury. Sa social media platform X, nag-post si Dr. Tony Leachon ng: “Nagrelease sila 30 billion last Oct. 16 despite our outrage but, it turned out covered pa pala ng TRO even October 30 B Tranche. Binastos pa talaga ng PhilHealth Board, Execom , Legal Sector…

Read More

PASOK SA ILANG KORTE SINUSPINDE

NAGDEKLARA ng suspension ang Korte Suprema sa ilang korte sa bansa dulot ng Bagyong Marce. Sinuspinde ang operasyon para makauwi nang maaga ang mga tauhan at empleyado ng korte na posibleng maipit o ma- stranded sa daan. Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, ilan sa mga nagsuspinde ng operasyon at wala nang pasok ay ang Aparri, Cagayan Regional Trial Court o RTC at lahat ng first level courts na nasa hurisdiksyon nila Sanchez Mira, Cagayan RTC First and second Municipal Circuit Trial Courts o MCTC ng Sanchez, Mira…

Read More

MERALCO: SERBISYONG HANDA SA ANOMANG PANAHON

MARINIG lamang ng karamihan sa ating mga kababayan ang salitang Meralco ay nasa isip agad ang bayarin na ating obligasyon ng bawat pamilya. Ngunit marami ang hindi nakakapansin sa sakripisyo ng mga tauhan ng electric company lalo’t sa panahon ng kalamidad na mula pa sa panahon ng pandemic ay walang takot na hinarap ng mga ito ang panganib dulot ng nakamamatay na virus pero hindi ito alintana sa kanilang tungkulin upang mabigyan ang bawat tahanan ng magandang serbisyo. Tradisyon sa maraming pamilyang Pilipino ang magsama-sama tuwing Undas upang alalahanin ang…

Read More

Hamon kay Mayor Vico: ‘TROLL ACTIVITIES’ NG EXEC ASSISTANT IPALIWANAG

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico Sotto na magpaliwanag sa troll activities ng tanggapan ni City Administrator’s Executive Assistant, Maurice Mikkelsen Philippe Camposano. Inakusahan si Camposano bilang operator ng troll army na nagsagawa ng propaganda attacks laban sa mga kalaban sa pulitika ni Sotto, mula pa noong 2019 at posibleng hanggang ngayon. “Dapat magpaliwanag si Sotto sa mga Pasigueño. Dapat paharapin mo sa taong bayan `yang tao ninyo dahil marami sa aming Pasigueño ang nabıktıma niyan. Kung kailangan kasuhan si…

Read More

TS MARCE MISTULANG SUPER TYPHOON

HALOS nasa super typhoon category si TS Marce habang binabaybay ang kalupaan saklaw ng dulong hilagang Luzon simula pa kahapon. Sa inilabas na weather updates ng PAGASA kahapon ng umaga, malapit na sa super typhoon strength ang lakas ng pananalasa ni Marce bago pa ito dumaan sa dulong bahagi ng Luzon. Si Marce ay naitalang may maximum sustained winds na umaabot sa 175 kilometers per hour at may bugso na nasa 215 kph, ayon sa state weather bureau, habang tinatahak ang direksyon ng Silangan bahagi ng Aparri, Cagayan. Bunsod ng…

Read More

LASING NALIGO SA SPILLWAY, TINANGAY NG BAHA

LUCENA CITY – Pinaghahanap ang isang lasing na lalaki na tinangay ng baha nang maligo umano sa spillway. Ayon sa mga nakasaksi, dakong alas-2:00 ng hapon noong Miyerkoles, napadaan ang biktima sa spillway ng Iyam river sa Barangay 5, dala ang kanyang kariton. Nagpasya itong maligo sa bahagi ng ilog sa unahan ng spillway subalit naanod ito ng agos at natangay patungo sa isa sa culvert na lagusan patungo sa kabila. Ligtas naman itong nakalusot sa nasa 12 metrong lapad ng spillway at lumutang sa kabilang ibayo at kumaway pa…

Read More